Miss Universe-PH Beatrice, bigla namang nasangkot sa isang love triangle at baka matulad kay RABIYA
- Published on November 3, 2021
- by @peoplesbalita
SANGKOT sa isang love triangle ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez.
Ayon sa isang post ng isang netizen na nagngangalang “Johnny Batumbakal”, may ka-affair diumano si Gomez sa isang lalake na ang pangalan ay John Odin at kinakaliwa raw nito ang kanyang girlfriend of seven years na si Kate Jagdon.
Sa Facebook account ng Iloilo Metropolitan Times, ito ang naka-post:
“MISS UNIVERSE THIRD PARTY?
“A certain Johnny Batumbakal posted some photos and screenshots on social media, claiming the alleged third party issue involving Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez. #IMTNEWS”
Nag-post daw si Beatrice sa kanyang Instagram na may ka-holding hands siya. Obvious daw na hindi kamay ni Kate iyon dahil kamay ng lalake at may tattoo pa. Pero bigla na raw itong na-delete na.
Sey ng ilang netizen na baka tumalab na raw ang sumpa ng MUP crown sa lovelife ng winner nito. Kung matatandaan, noong manalo si Rabiya Mateo last year, proud ito sa kanyang boyfriend na si Neil Salvacion. Pero pagkaraan ng ilang buwan ay bigla silang naghiwalay.
Noong sumali sa MUP si Beatrice, naging public ang relasyon nila ni Kate. Ikinatuwa ito ng LGBT community dahil hindi tinago ni Beatrice ang kanyang relasyon sa kapwa babae.
Ang tanong ngayon ay kung may relasyon pa ba sina Beatrice at Kate? O baka lalake na ang bagong karelasyon ni Beatrice?
***
HINDI napigilan ni Aiko Melendez na maging emotional pagkatapos ng kanyang taping para sa Prima Donnas Season 2.
Sa video clip sa naging farewell ceremony ng cast at crew, naging madamdamin ang mga mensahe ng actress-director na si Gina Alajar para kay Aiko.
“We are so happy na magaang kang kasama. We are so happy dahil nakasundo mo ang lahat pati mga bata. We are so happy, when you’re on the set, you’re so magaan.
“When you’re on the set, wala kang reklamo. Truly, totoo ‘yan. Madali kang pakiusapan, madali kang namang sabihan na, ‘One more shot, one more shot’ and you’re willing to do that.
“Hanggang matapos ang ‘Prima Donnas,’ ikaw ay palagi naming kasama in spirit. And your memories will remain with us, and we hope to see you soon, we hope to work with you again,” sey ni Direk Gina.
Naiyak naman si Aiko habang pinapakinggan ang mga mensahe para sa kaniya.
“First of all, I’d like to thank everyone from the cast down to the crew, and the director who I’ll miss so much. Because Direk Gina you were there for me, became my mother here, especially when my father died, ,” sey ni Aiko.
Pumanaw ang stepfather ni Aiko na si Dan Castaneda nitong nakaraang Pebrero dahil sa komplikasyon ng COVID-19.
(RUEL J. MENDOZA)
-
LIZA, nag-react sa pekeng Facebook account na nag-post ng pagsali niya sa ‘Miss Universe’ at nakikiusap na i-report
NAG-REACT nga sa isang Facebook ang Kapamilya actress na si Liza Soberano na may connect sa pagkatalo ni Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe pageant. Sa FB account na ‘Liza Soberano’, nilagay ng poser ang comment niya na, “Pag si Rabiya talaga ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year!” na agad […]
-
Guce ika-52, binulsa P53K
SINARA ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa one-over par 72 pa-three-over par 216 at mapabilang sa apat na nagtabla sa ika-52 posisyon na mayroong $1,067 (P53K) bawat isa pagrolyo ng 16th Symetra Tour 2021 11th leg $250K (P12.4M) 4th Donald Ross Course sa The Donald Ross Cross Course sa Frenck Linck, Indiana nitong Sabado […]
-
JC, palaban din bilang best supporting actor: PIOLO, napakahusay sa ‘Mallari’ kaya matindi ang laban sa Best Actor
MISMONG Araw ng Pasko, Disyembre 25, sa pagsisimula ng 49th Metro Manila Film Festival, nang mapanood namin ang pinag-uusapang historical fiction/horror film ng Mentorque Productions, ang “Mallari” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. May ibang pakiramdam na sa pagsisimula ng pelikula ay bubungad ang logo ng Warner Brothers Pictures kasabay ng musical score, ang lakas […]