• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister, isinelda sa hindi lisensyadong baril sa Caloocan

SA kulungan ang bagsak ng 50-anyos na mister matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang halughugin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Caloocan City.

Sa report ng West Grace Park Police Sub-Station (SS3) kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, positibo ang nakatanggap nilang ulat na nag-iingat umano ng baril ang suspek.

Nang makakuha sila ng kopya ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Glenda K. Cabello-Marin, ng Caloocan City Regional Trial Court para sa paglabag sa RA 10591, agad bumuo ng team ang SS3 sa pangunguna ni P/Lt. Melinda Ordoñez saka sinalakay ang bahay ng suspek

Dakong alas-12:50 ng hapon nang simulang halughugin ng mga tauhan ng SS3 ang bahay ng suspek sa Barangay 63 sa bisa ng naturang search warrant na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang kalibre .22 revolver na may tatlong bala.

Walang naipakita ang suspek na kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng naturang baril kaya binitbit siya ng mga tauhan ni Col. Canals para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act.

Binati ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director of the Northern Police District (NPD) ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station sa kanilang mabilis na aksyon at adherence to legal procedures. (Richard Mesa)

Other News
  • Tiger Woods magbabalik na sa paglalaro ng golf matapos ang aksidente

    Naghahanda na si Tiger Woods sa paglalaro nito ng golf.     Ito ay matapos ang halos 10 buwan mula ng maaksidente ito.     Pumirma na ito kasi para sa maglaro sa PNC Championship kasama ang anak.     Gaganapin ang torneo sa Florida sa Disyembre 16.     Bagamat hind ito katulad ng […]

  • VENUS, nakahanap ng fulfillment sa pagsisilbi sa Panginoon kesa maging aktibo sa showbiz;

    KAYA pala hindi masyadong nakikita si Venus Raj sa mga nakaraang pageant activities dahil abala ito sa pagtapos niya ng kurso sa OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics sa Oxford, England.     Sa kanyang Instagram account, pinost ng former Miss Universe Philippines 2010 ang pag-graduate niya sa OCCA.     “This journey at […]

  • DBM pangungunahan ngayong araw ang bloodletting drive sa gitna ng pagsirit ng sakit na dengue

    PINANGUNAHAN kahapon, araw ng Martes Oktubre 8 ng Department of Budget and Management (DBM) ang Dugtong Buhay Movement isang bloodletting activity sa Naval Station, Ernesto Ogbinar, Poro Point sa San Fernando, La Union.   Sinabi ng DBM na layon ng aktibidad na mangolekta ng blood donations mula sa mga volunteers mula sa iba’t ibang ahensiya […]