Misyon ng AFP nagbago sa gitna ng problema sa South China Sea
- Published on March 1, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBAGO na ang misyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng kumplikadong sitwasyon sa South China Sea at matinding kumpetisyon ng “superpowers.”
Sa pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tropa ng Visayas Command sa Cebu, winika ng Pangulo na ang problema sa South China Sea p ang itinuturing na “most difficult and complex issue” kahit na may giyera sa Ukraine.
“Kaya’t sinasabi ko ‘yung mission ng AFP, ‘yung mission ninyo ay nagbago na. At kailangan natin bantayan nang mabuti ‘yung ating dating hindi kailangan masyadong isipin,” ayon sa Pangulo.
“There was a time when we did not have to worry about these threats and the intensification of the competition between the superpowers,” aniya pa rin.
“For many, many years, we were able to maintain that peace and maintain that understanding with all of our neighbors. Now things have begun to change and we must adjust accordingly,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, inamin ni Pangulong Marcos na hindi siya makatulog sa gabi dahil sa ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
Ikinuwento ng Pangulo kay World Economic Forum President Børge Brende na binabantayan niya ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
Magugunitang ilang beses nang naghain ng protesta ang Pilipinas sa China dahil sa pagiging agresibo nito sa pag-angkin sa ilang lugar sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, nagiging tagapag-masid na lamang ang bansa tuwing may tensyon sa lugar kapag may dumadaan na Chinese o US warships.
Nilinaw naman ng Punong Ehekutibo wala naman away ang Pilipinas sa China.
Pero ang problema ay ang patuloy na pag-angkin ng China sa mga teritoryo na sakop na ng Pilipinas kahit na mayroon nang desisyon ang Permanent Court of Arbitration.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos sa tropa na ang foreign policy ng bansa ay “guided by a commitment to peace and guided by the national interest.”
“Pagka ako’y bumabiyahe at ipinapaliwanag ko sa ating mga kaibigan kung ano ang ating foreign policy, kung papaano ang trato natin sa mga ibang bansa ay madaling-madali lang ang sagot ko,” ayon sa Chief Executive.
“Ang lagi kong sinasagot ay ang Pilipinas ang habol lang ng Pilipinas ay ang kapayapaan,” aniya pa rin.
Tinuran pa ng Pangulo na bagama’t maliit na bansa ang Pilipinas, kailangang igiit nito ang karapatan bilang isang sovereign nation.
“The Philippines is a sovereign nation, the Philippines has a functioning government, and that functioning government includes the members of the military, and that is why it remains to be our duty to protect the country, to protect our citizens,” ayon kay Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Testing Czar Sec. Dizon, aminadong napakahirap ma-predict ng new variants ng virus
“Very unpredictable at napakahirap i-predict ng new variant ng COVID-19” Ito ang pag-amin ni Testing Czar Sec. Vince Dizon makaraang mabulaga ang bansa sa mabilis na pagdami ng new variant cases ng virus noong nakalipas na ilang buwan na naging dahilan kung bakit kinulang ang itinayo ng gobyerno na 10,000 ICU at hospital beds […]
-
‘Mag-ipon sa bangko, sa halip na sa alkansya’ – BSP
HINIMOK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isaayos ang pag-iipon ngayong panahon ng pandemya. Lumalabas kasi na marami ang nag-iipon ngunit nakalagay lamang ito sa mga piggy bank, jar o anumang container sa mga bahay. Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, maliban sa hindi ito nakakatulong sa pagpapalago […]
-
Sofia, ‘di mawawala o papatayin sa kuwento
SINIGURADO ng director ng Prima Donnas na si Direk Gina Alajar na kahit na hindi nila nakasama sa lock- in taping ang isa sa tatlong girls ng serye na si Sofia Pablo, hindi ito mawawala o papatayin sa kuwento. Kaya matutuwa ang mga fans ng Prima Donnas girls. Ayon kay Direk, “Si Sofia, […]