• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Mix and match’ trial sa COVID-19 vaccines sasalang sa Hunyo

Sisimulan na sa susunod na buwan ang pag-aaral sa ‘mix-and-match’ ng COVID-19 vaccine brands habang ang bansa ay hindi pa nakatatanggap ng matatag na supply ng mga doses.

 

 

Ayon kay Science and Technology Sec. Fortunato dela Peña, ang mi­xing and matching trial ay tatagal ng 18-buwan na lalahukan ng 1,200 indibiduwal.

 

 

Hinihintay na lamang ng DOST ang pag-apruba ng Food and Drug Admi­nistration (FDA) at Health Research Ethics Board bago simulan ang trial.

 

 

“Ito po ay magkaibang bakuna sa 2 doses. Me­ron po tayong 7 bakuna na approved with an EUA (emergency use authorization) pero ’di po natin masiguro kung darating sa tamang petsa yung kailangang second dose kaya mangangailangan tayo na magkaroon ng kombinasyon ng bakuna,” paliwanag ni dela Peña.

 

 

“Gagamitin po ‘yan para magkaroon tayo ng basis kung alin ang magandang ipag-mix. Puwede naman lahat ’yan kaya lang titingnan ano ang mas magandang kombinasyon.”

 

 

Nakapokus ang pag­hahalo sa Sinovac at sa iba pang brand na mayroon pa ang bansa.

 

 

Magmumula ang mga participants sa Manila, Rizal, Pasig, Makati, Pasay, Muntinlupa, Cebu at Davao, ani  Dela Peña.

 

 

Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na layunin ng gobyerno na makapagbakuna ng 120,000 katao kada araw sa Metro Manila at  500,000 sa mga pangunahing sentro ng ekonomiya sa buong bansa sa Nobyembre.

 

 

Kailangang mabakunahan aniya ang nasa 70 milyon o 2/3 ng populasyon bago magtapos ang taon upang makamit ang herd community. (Daris Jose)

Other News
  • Kelot arestado sa P102K shabu sa Valenzuela

    KULONG ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang naarestong suspek na si Allan Warde, 39 ng […]

  • 1 month to go: Bagong NBA season aarangkada na, ilang teams tiniyak na babawi

    Eksaktong isang buwan mula ngayon, pormal nang magbubukas ang bagong season ng NBA.     Kaya naman sa susunod na linggo simula na rin ng puspusang training camps matapos ang pahinga ng mga players at koponan dahil sa NBA offseason.     Kasabay ng regular season tip off sa darating na October 19, ay ang […]

  • 7-footer na Quinten Post, pasok na sa Warriors

    Opisyal nang pumirma sa Golden State Warriors (GSW) ang Dutch rookie 7-footer power forward at center Quinten Post, na may two-way contract.     Kasama nito ang mga 7-footer NBA players din na sina Boban Marjanović ng Houston Rockets, Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs, Zach Edey ng Memphis Grizzlies, at Bol Bol ng Phoenix […]