• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Mixing and matching” ng bakuna laban sa Covid-19, pinag-aaralan pa- Malakanyang

HANGGANG sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang posibilidad na paggamit ng isang tao na magkaibang brand ng bakuna laban sa covid 19 para sa kanyng 1st dose at 2nd dose.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang ngayon ay wala pa ring konklusyon ang mga dalubhasa sa usaping ito.

 

“Specifically, dahil ang tanong mo is from inactivated to MRNI ‘no, so pinag-aaralan po iyan pero may—well I’m not a dalubhasa. Perhaps si Father (Austriaco) can share his views being a molecular biologist. Iyong different platform, Doc.,” ani Sec.Roque.

 

Para naman kay Dr. Fr. Nicanor Robles Austriaco, Jr. OP molecular biologist and Catholic priest na may nagaganap na aniyang clinical trials sa buong mundo sa usaping pagsasama ng magkaibang brand ng bakuna sa 1st at 2nd dose.

 

“There are mixing and matching – both inactivated virus with MRNA vaccines or vice versa or adenovirus and MRNA vaccines. The initial data from the United Kingdom shows that when you mix and match two doses, the side effects are actually more challenging after the second dose than if the both doses are the same—from the same brand,” aniya pa rin.

 

Sa ngayon ay hinihintay pa anila ang data para sa immune response ng “mixed dosing strategy”.

 

 

“It’s expected to be published in the next two or three weeks,” ayon kay Austriaco. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • TUMANGAY NG MOUNTAIN BIKE, ARESTADO

    KINADENA na, tinangka pang nakawin ng isang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ ang isang mountain bike habang nakaparada sa isang parking sa Malate, Maynila.   Kasong Theft ang kinakaharap ng suspek na si Eric Bedonio, 40, may live-in partner ng 1880 Mayon St., Bulkan, Punta Sta Ana Manila dahil sa reklamo ni Maria Ninel  Madlangbayan, 16, sa […]

  • Sa opening ceremony ng ‘Paris 2024 Olympics’… Performances nina CELINE DION at LADY GAGA, nag-viral

    NAG-VIRAL ang performances nina Celine Dion at Lady Gaga sa opening ceremony ng Paris 2024 Olympics.     Si Lady Gaga ang nagbukas ng ceremony with a rendition of Zizi Jeanmaire’s “Mon Truc En Plumes” habang nasa stairs ng Seine River. Surrounded by pink feathers, Lady Gaga kicked on a chorus line and played on […]

  • Holmqvist apelyido ng ina gagamitin sa jersey

    MAGPAPALIT ng surname si incoming Philippine Basketball Association (PBA) rookie Ken Holmqvist ng Barangay Ginebra San Miguel na ikakabit sa playing uniform niya sa mga game sa professional cage league.     Pinabatid na niya ang hakbang kay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, ayon kay BGSM coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone nitong isang araw lang. […]