• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MIYEMBRO NG ABU SAYYAF GROUP NAARESTO SA NAIA

NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa kabila ng pagtatago nito sa kanyang pagkakakilanlan .

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na si Omar Bin Harun, 52, ay nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 paglapag niya sakay ng Philippine Airlines mula Kuala Lumpur na nagpakita ng Malaysian passport pero pinaghihinalaang peke ito.

 

 

“While his passport seems to be genuine, we believe he might have procured it through illegal means or by misrepresentation,” ayon kay Morente.

 

 

Ayon sa BI, lumalabas na si Omar, ay isang Filipino national, ay sinasabing miyembro ng ASG at sangkot ito sa 2001 Lamitan Siege na sumakop sa isang simbahan at hospital at ginawang hostage ang mga pari, medical staff at mga pasyente.

 

 

Sinabi naman ni BI-NAIA Anti-Terrorist Group (ATG) Chief Bienvenido Castillo III na nakatanggap sila ng intelligence information hinggil sa pagdating sa bansa ni Omar kaya nakipag-coordinate sila sa ilang law enforcement para sa kanyang pag-aresto.

 

 

“Omar was also said to have links with the terrorist group ISIS,” ayon kay Castillo.  “We were informed then that there was also a warrant for his arrest from the Philippine National Police Southern Police District,” dagdag pa nito.

 

 

Sinabi ni Castillo na nai-turn over na si Omar was turned over na sa PNP na nagpatupad sa kanyang pagkakaaresto.

 

 

“Coordination amongst law enforcement agencies, both here and abroad, is necessary to curb terrorist activities that attempt to destroy the peace and order in our country.  We will remain vigilant to ensure that these criminals are brought to justice,” ayon kay Morente. (GENE ADSUARA)

Other News
  • DoF, aware sa $180 milyon o P9 bilyon na pinasok na pera ng mga Chinese nationals

    HINDI lingid sa kaalaman ng Department of Finance (DoF) ang $180 milyon o P9 bilyon na pinasok na pera ng mga Chinese nationals sa bansa mula Disyembre 2019 hanggang Pebrero ng taong ito.   Sinabi ni Department of Finance Asec. Tony Lambino sa Economic Briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang na inireport na ng […]

  • PBBM, committed na gawing maayos ang buhay ng mga pinoy- Malakanyang

    COMMITTED si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas maayos ng buhay ng mga filipino sa post-pandemic economy.  Ang  pahayag  na ito ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary ay  matapos lumabas ang isang survey na nagpapakita na mayorya ng mga filipino ang naniniwala na patungo sa tamang direksyon ang PIlipinas […]

  • Pinaka-highlight ng Israel trip na narating ang Jerusalem: MARIAN, naiyak dahil halos lahat ng station of the cross ay napuntahan nila ni DINGDONG

    HALOS iisa ang tanong at comment sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa naging online mediacon niya.     Ano raw ang reaction niya na magaganda naman ang lahat ng kasama niyang judges sa Miss Universe 2021, pero siya ang walang-dudang pinakamaganda?     Ang dami ngang mga baon na magagandang kuwento at alaala […]