• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Miyembro ng “Compendio Drug Group”, kasabwat timbog sa buy bust sa Valenzuela

DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Compendio Drug Group” na listed bilang high-value individual (HVI) ang nalambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang si Alex Estrella alyas “Tropa”, 44, (HVI), miyembro ng “Compendio Drug Group” at Joel Ofiaza, 36, kapwa residente ng M. Gregorio St., Brgy. Canumay West.

 

 

Sa ulat ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogeliop Peñones Jr, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo ng buy bust operation in relation to SAFE NCRPO at Anti Criminality Law Enforcement Operation sa kahabaan ng Gen T. De Leon Road, harap ng De Gula Compound, Brgy., Gen. T. De Leon kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.

 

 

Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanilang kasama na nagsilbi bilang poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa mga suspek ay agad lumapit ang back-up na mga operatiba at inaresto ang dalawa.

 

 

Ani PSSg Carlito Nerit Jr, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value P68,000.00, marked money, P200 bills, sling bag, 2 cellphones at isang motorsiklo.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 5 drug suspects tiklo sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela buy bust

    LIMANG hinihinalang drug personalities ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:21 ng hating gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables sa buy […]

  • 17 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela

    MAHIGIT sa P.7 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 17 hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na dalagita na na-rescue sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa […]

  • Na-excite ang fans na bida sa drama-action series: MIGUEL, handa na sa matinding training na tulad ng ginawa ni RURU

    NA-EXCITE ang fans ni Sparkle actor Miguel Tanfelix dahil nabigyan na ito ng pagkakataon na magbida sa sarili niyang drama-action series na ‘Mga Batang Riles.’       Makakasama rito ni Miguel ay sina Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.       Unang nagbida si Miguel sa teleserye na ‘Niño’ noong 2014. […]