Miyembro ng PCG, inaresto sa pagpapaputok ng baril
- Published on June 20, 2024
- by @peoplesbalita
INARESTO ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nakaraang aminin na nagpaputok ng baril habang nag-iinuman sa Sampaloc, Manila Lunes ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si CG ASN Christopher Busilan, miyembro ng Philippine Coast Guard at residente ng 25th Street, Pier 15, Port Area, Manila. At nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at Illegal Discharge of Firearm.
Sa salaysay ni Brgy Ex-O Jhomar Samson ng Brgy 464 Sampaloc, Manila bandang alas-2:20 kahapon ng madaling araw nang, nakarinig siya ng putok ng baril sa kahabaan ng R.Papa St., Sampaloc, Manila kaya inalam nito at pagdating sa lugar ay nakita ang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman.
Tinanong ng Brgy Ex-O kung sino ang nagpaputok ng baril gayunman mismong ang suspek ay itinangging may nagpaputok sa lugar pero nagsumbong ang kanilang mga kapitbahay na sa mismong bahay ng suspek ang pinagmulan ng putok at sa bandang huli ay inamin ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.
Narekober sa suspek ang isang kalibre ng baril at dalawang bala. GENE ADSUARA
-
DoH, ia-anunsyo ang alert level sa NCR sa Oktubre 1
ANG Department of Health (DOH) ang maga-anunsyo sa Oktubre 1 kung mananatili o babaguhin ang COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR). Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na sila ang magde-desisyon kung pananatilihin ang NCR sa ilalim ng Alert Level 4 o […]
-
Saso Athlete of the Year
NAPILI ang sumisibol na pambato ng bansa sa women’s professional golf na si Yuka Saso bilang 2020 Athlete of the Year sa virtual Awards Night ng Philippine Sportswriters Association sa Marso 27 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City. Sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 o pandemic, naging inspirasyon ng mga kababayan ang […]
-
Dahil na-enjoy at na-appreciate: CARLA, ilang beses naranasan kaya mas pabor sa lock-in taping
NOONG kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay ilang beses nang naranasan ni Carla Abella ang lock-in taping, at mas pabor siya sa ganung situwasyon. “Opo, pero kung tutuusin po hindi ko na po naabutan yung lock-in sa Voltes V: Legacy. “That was the time na medyo lumuwag na po yung restrictions in […]