• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM, maaaring ibalik sa MECQ

MAAARING ibalik ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kapag ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot sa 85,000 gaya ng pinroject ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

“That’s a distinct possibility, although it’s a possibility that I wish would not happen,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pumiyok si Sec. Roque, hindi na kakayanin pa ng ekonomiya ang panibagong shutdown, subalit “if we have to and there’s no alternative, we need to do it.”

“So, ang sinasabi nga natin, dapat ingatan ang ating mga katawan para tayo po ay magkaroon ng hanapbuhay,” dagdag na pahayag nito.

“I’m confident that the Filipinos actually will cooperate to an even greater degree than they have shown. Yesterday, I announced that we’re second in the world as far as wearing face masks is concerned, and that shows that the Filipinos will cooperate when they have to,” aniya pa rin.

Ang National Capital Region, ay nasa ilalim ng MECQ mula Mayo 16 hanggang 31, na ngayon naman ay nasa ilalim ng General Community Quarantine.(Daris Jose)

Other News
  • Ginang kulong sa P200K droga sa Valenzuela

    KALABOSO ang 58-anyos na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.   Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang […]

  • Ads July 21, 2023

  • Reklamo sa LTO, pwede na sa online

    Maaari nang magreklamo online ang publiko sa Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng inilunsad na online complaint platform na “Isumbong Mo Kay Chief” QR code.     Ang LTO “Isumbong Mo Kay Chief” QR code ay  isang serbisyong digital na magagamit ng publiko para sa mas madaling pagpaparating ng mga reklamo at suhestiyon, gamit […]