• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM mayors, patuloy na inihihirit ang GCQ

PATULOY na inihihirit ng mga Metro Manila Mayors na manatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang kani-kanilang mga nasasakupan.

Ito ang sinabi ni National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez base na rin sa kanilang pakikipag- usap sa mga Mayor dito sa NCR.

Base sa inilatag na rekomendasyon ng mga Alkalde sa Kalakhang Maynila, sinabi ni Galvez na binabalanse rin kasi ng mga Local Chief Executives sa kabilang banda ang patungkol sa ekonomiya.

Naiintindihan din naman aniya ito ng national government gayung una na ring nabanggit ng Department of Finance na nasa tipping point na ang ekonomiya at mas mahirap na sitwasyon ang kakaharapin kapag hindi maka- recover ang kalakalan.

Magkagayon man ay inihayag ni Galvez na pag-uusapan pa nila sa IATF ang suhestiyon ng mga punong bayan sa Kamaynilaan na tila kumikilos “as one for all … all for one.”

Other News
  • Power struggle sa Kongreso, posibleng magtagal pa kung hindi pa nagbabala si Pangulong Duterte sa mga nagbabangayang personalidad – Malakanyang

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na mas humaba pa sana ang tensiyon ng awayan sa kapangyarihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung hindi pa nagsalita kamakailan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, maaaring magtagal pa ang agawan sa puwesto kung hindi nagbigay ng mensahe ang Presidente sa mga sangkot na personalidad. […]

  • Watch Michael Keaton and Wynona Ryder reunite in mayhem as Tim Burton’s “Beetlejuice Beetlejuice” teaser trailer gets summoned

    THE is loose once more! Michael Keaton returns to his iconic titular role, alongside Wynona Ryder and Catherine O’Hara with original director Tim Burton, in “Beetlejuice Beetlejuice.” Trouble follows the Deetz family as Lydia Deetz’s (Wynona Ryder) daughter Astrid (Jenna Ortega) accidentally sets off a series of events that opens a portal to the Afterlife. […]

  • LTO hiniling na suspendihin ang NCAP

    HINILING  ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na suspendihin muna ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) habang ang mga regulasyon ay inaayos at nirerepaso pa.       Ito ay sa gitna ng mga reklamo mula sa mga public utility vehicle drivers at mga pribadong may-ari ng mga sasakyan.   […]