• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM mayors wala pang rekomendasyon sa IATF

Wala pang nabubuong consensus ang mga alkalde sa Metro Manila kung kanila bang irerekomenda o hindi ang pagpapalawig nang modified enhanced community quarantine status (MECQ) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos Jr., maraming kinukonsidera sa kanilang magiging desisyon ang mga alkalde sa NCR kabilang na ang bilang ng mga available na ICU beds sa rehiyon pati na rin ang opinyon ng mga economic managers ng Duterte administration.

 

 

Sinabi naman ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na hindi pa nila nakukuha ang data analytics pati na rin ang inputs ng private sector kaya hindi pa sila nakakabuo ng desisyon patungkol sa quarantine status sa NCR.

 

 

Bagama’t bumaba na ang mga naitatalang kaso sa NCR, nasa critical level p[a rin aniya ang dami ng COVID-19 cases kaya kailangan ding ipagpatuloy ang contact tracing.

 

 

Mahalaga ikonsidera ang mga ito lalo pa at may mga projection nang pagdami ng mga kaso sa oras na ibalik sa general community quarantine ang NCR, pati na rin ang scenario kapag ipagpapatuloy ng dalawa pang linggo ang MECQ.

 

 

Kaya mamayang alas-4:00 ng hapon ay magkakaroon ulit ng pulong ang Metro Manila mayors at maaring doon magkaroon ng recommendation na.

 

 

Magugunita na itinakda sa darating na Abril 30 ang pagtatapos ng MECQ sa NCR pati na rin sa apat na karatig probinsya. (Daris Jose)

Other News
  • 111 milyong Pinoy naserbisyuhan ng PhilHealth

    NASA 111 milyong Pinoy sa buong bansa ang naserbisyuhan na ng PhilHealth.     Ang ulat ay isinagawa sa ipinatawag na virtual press conference ng mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni President and CEO Atty. Dante Gierran, VP Dra. Shirley Domingo, EVP and COO Atty. Eli Dino Santos, SM Rex Paul Recoter, Dra. Mary […]

  • ‘Isang ‘marangal, mabait’ na Santo Papa

    NAGBIGAY  pugay si Pope Francis, kay Benedict XVI na sinabing isa itong “marangal” at “mabait” na dating papa.       Ang dating santo papa ay namatay sa edad na 95-anyos, isang dekada matapos maging unang pontiff mula noong Middle Ages na nagbitiw sa pwesto.       “With emotion we remember a person so […]

  • Maraño may kondisyon sa pagpagupit ng buhok

    SABAY tayo!     Ito ang ni Philippine SuperLiga (PSL) star Abigail ‘Aby’ Marano ng F2 Logistics Cargo Movers sa nobyong si Philippine Basketball Association (PBA) Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort Batang Pier.     Kaugnay ito sa kontrahan nila sa pagpapaputol ng buhok ng 28-anyos, 5-9 ang taas at Ilongga middle hitter.   […]