• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM provincial bus operations posibleng buksan

May mga provincial bus routes papunta at galing sa Metro Manila ang puwede ng muling buksan kung saan sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang ginagawaan ng paraan na mangyari.

 

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang kanilang ahensiya ay naghahanda na para sa muling pagbubukas ng ilang provincial bus routes na mula at magtatapos sa National Capital Region dahil sa ngayon ang NCR ay hindi na mahigpit sa pagpapatupad ng community quarantine status.

 

“We’re already reopening, if I may say that – inter-provincial and inter-regional route except the one here in Metro Manila, which we are ready to open. We’re organizing them. Hopefully we’ll be able to open it within the month,” ayon kay Delgra.

 

Nakikipag-usap din sila sa mga provinces na buksan nila ang kanilang mga borders upang magkaron ng cross-provincial buses.

 

May ilan namang provincial bus operations sa labas at loob ng Metro Manila ang nag resume na kanilang operasyon sapagkat ang ibang provincial governments ay pumayag na muling buksan ang kanilang borders upang mapagbigyan ang cross-provincial public transportation.

 

Mula sa 81 na provinces nationwide, at least may tatlong (3) unang pumayag na pagbigyan ang cross-border travel mula Manila kasama ang Antique, Quirino at Bataan.

 

“Agreements with the local government units (LGUs) need to be secured first before provincial bus operations to their areas could be allowed to resume,” ayon kay Delgra.

 

Samantala, ang iba namang provinces ay hindi gustong magkaron ng muling pagbubukas ng kanilang borders lalo na sa mga travelers mula sa Metro Manila na siyang epicenter ng COVID 19 outbreak.

 

“Public transport from Metro Manila to the provinces require us to coordinate with LGUs concerned. They received these passengers. Since we are in the context of the pandemic, LGUs also need to be prepared on how to handle arriving and departing passengers,” dagdag ni Delgra.

 

Mayroon ng anim na buwan mula ng ihinto ng pamahalaan ang operasyon ng transportation services subalit ito ay unti-unting muling binubuksan ngunit limited capacity lamang.

 

May ilan namang interprovincial at inter-regional routes ang nabuksan na sa labas ng Metro Manila.  (LASACMAR)

Other News
  • Ads July 24, 2023

  • CBCP, pinasalamatan ang mga guro

    Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan. Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.   […]

  • Zubiri, bagong Senate president ng 19th Congress

    OPISYAL  nang nailuklok bilang bagong Senate President si Senator Juan Miguel Zubiri.     Ito ay matapos na iboto ng 20 mga senador si Zubiri bilang bagong Senate President sa unang sesyon ng muling pagbubukas ng 19th Congress ngayong araw.     Ngunit sinabi naman ng magkapatid na senador na sina Alan Peter Cayetano at […]