• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA dudang 100k sasama sa Piston tigil-pasada, aagapay sa commuters

MINALIIT ng Metropolitan Manila Development Authority ang posibleng maging epekto ng inilulutong transport strike ng Piston kontra “jeepney phase” out at December 31 consolidation deadline — pero nakahanda na raw silang umalalay sa mga maiipit ng welga.

 

 

Ito ang ibinahagi ni MMDA acting chairperson Don Artes sa isang video statement bago ang December 14-15 transport strike na ikakasa kasabay ng matinding demand sa sasakyan dulot ng Christmas rush at “payday Friday.”

 

 

“Lagi namang malaki ‘yung claim nila na sumasama,” wika ni Artes kanina matapos sabihin ng progresibong grupong aabot sa 100,000 tsuper ang dadalo sa kilos-protesta.

 

 

“But based sa aming information, medyo hindi ganoon karami ‘yung sasama. So kung saan may concentration ng sasama, doon kami maglalagay ng augmentation vehicles.”

 

 

Una nang sinabi ng Piston na pamumunuan nila ang malawakang tigil-pasada ng mga public utility vehicles (PUVs) para tutulan ang itinakdang December 31 deadline ng gobyerno para makapagkonsolida sa ilalim ng mga kooperatiba o korporasyon, bagay na pipigil diumano sa operation ng mga unit na hindi makasusunod.

 

 

Alinsunod ito ng PUV modernization program ng gobyerno, bagay na nagtutulak sa mga operator at tsuper na magtransisyon patungo sa mga modernong minibuses o e-jeeps. Gayunpaman, umaaray ang mga grupo dito dahil sa umaabot daw ito sa hanggang P2.8 milyon kada unit.

 

 

Una nang pinabulaanan ng Department of Transportation ang phase out ng mga tradisyunal na jeep, kahit una nang inamin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ito ang “huling hakbang” ng PUVMP. Wika pa ng estado, nagbibigay din ng ayuda para sa mga kooperatiba.

 

 

“Despite minimal ‘yung impact, kami ay laging naghahanda pa rin dahil ‘yan po ay serbisyo na dapat nating ibigay sa ating mga kababayan at to ensure na minimal ‘yung impact at inconvenience sa ating riding public. We’ll prepare pa rin,” ani Artes.

 

 

“Kung pagbabasehan ‘yung nakaraang [welga], [Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela] area ‘yung medyo tinamaan at Paranaque. So ‘yan pa rin ‘yung ating tututukan.”

 

 

Ayon sa MMDA official, lumabas na sa pag-iimbentaryo nilang marami ang hindi sasama sa protesta lalo na’t nadadala raw ang ilan dahil sa epekto nito sa kikitain. Bukod pa raw ito sa “pagresponde ng gobyerno.”

 

 

Una nang iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na magkakaroon ng extension sa deadline ng consolidation.

 

 

Dagdag pa ni Artes, tinitignan pa nila kung ilang standby units ang maitatalaga upang tumugon sa epekto transport strike. Noong nakaraang welga kasi, umabot daw ito sa 686 kung kaya’t posibleng ito rin daw ang rumesponde — kabilang na ang sa local government units.

 

 

Bagama’t “minimal” daw ang naging epekto ng mga nakaraang tigil-pasada, tuloy pa rin daw sila sa pagiging alerto upang maiwasan ang gulatan.

 

 

Taliwas ito sa unang balita ng Piston na naparalisa nila ang 90% ng mga ruta sa National Capital Region nitong Oktubre.

 

 

“Imo-monitor pa rin po natin ‘yung lahat ng lansangan sa Metro Manila at magbibigay tayo ng augmentation kung sakali pong kailangan at makita na meron po tayong stranded na pasahero ay atin pong tutugunan para ma-minimize ‘yung inconvenience sa ating riding public,” dagdag pa ni Artes.

 

 

Wala rin daw inaasahang suspensyon ng number coding scheme para bukas lalo na’t nadadagdagan daw ng 20% na sasakyan sa tuwing ginagawa ito.

 

 

Paglilinaw naman ni LTFRB spokesperson Celine Pialago kanina, wala silang ibibigay na libreng sakay simula bukas hanggang Biyernes.

 

 

Gayunpaman, nanggagaling daw ang ganitong inisyatiba sa Philippine National Police, JTF NCR, MMDA, Department of Public Works and Highways at LGUs. (Daris Jose)

Other News
  • Hinihintay na ang pag-amin sa kanilang relasyon: JULIE ANNE, tanggap na tanggap din ng mga pinsan ni RAYVER

    TIYAK na na-excite ang mga fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kahapon, July 17, sa pagsi-celebrate ng actor-singer-dancer ng kanyang 32nd birthday sa “All-Out Sundays.”     Last May 17, ay nag-celebrate naman ng kanyang 28th birthday si Julie sa show. Naging special ang celebration dahil dumating para bumati kay Rayver ang […]

  • ‘Byahe ni Kiko’ umarangkada, solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain

    UMARANGKADA na noong linggo ang “Byahe ni Kiko: Hello Pagkain, Goodbye Gutom” caravan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, kung saan bitbit nila ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino bilang mahalagang isyu sa halalan sa Mayo.     Sa pagtakbo niya bilang bise presidente, iginiit ni Pangilinan na ang isyu ng pagkain ay dapat nasa […]

  • Malakanyang, positibo na kayang maabot ng bansa ang Herd Immunity sa COVID

    POSITIBO ang Malakanyang na sapat nang mabakunahan ang 66 na porsiyento na populasyon ng bansa para maabot ang pagkakaroon ng Herd Immunity.   Ito’y  sa harap na rin ng ulat na may mga Filipinong mas gugustuhing huwag na lamang magpabakuna ng COVID -19 vaccine.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t mas maigi sanang […]