MMDA: Expanded number coding scheme hindi pa ipatutupad
- Published on March 9, 2022
- by @peoplesbalita
ANG Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay hindi pa magpapatupad ng kanilang expanded number coding scheme kahit na ang National Capital Region (NCR) ay nasa Alert Level 1 na.
Ayon sa MMDA na kanilang naobserbahan at kanilang naitala na hindi pa rin gaanong madami ang mga sasakyan na dumadaan at gumagamit ng EDSA. Based sa kanilang datus, noong March 1 ang naitala ay 367,535 na sasakyan ang dumaan sa EDSA. Ang nasabing figure ay mababa kumpara sa 372,528 na sasakyan noong unang araw ng Alert Level 2.
“We will continue to monitor the daily vehicle volume count along EDSA to determine if there is a need to expand the number coding scheme. Traffic is concentrated during peak hours. The time stuck in traffic is just short. It eases immediately. This is why we are not seeing any reason to expand the number coding scheme,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.
Ang traffic congestion sa EDSA ay nagaganap tuwing rush hours mula 7:00-9:00 ng umaga at mula 5:00 hanggang 8:00 ng gabi.
Sa ngayon, ang number coding scheme sa weekdays ay mula 5:00 hanggang 8:00 ng gabi lamang maliban kung holidays. Ang mga pribadong sasakyan lamang ang nasasakupan ng number coding scheme na ito.
Ang mga pampublikong sasakyan tulad ng buses at jeepneys ay nanatiling exempted sa nasabing number coding scheme. Habang ang mga trucks ay bawal pa rin na dumaan sa EDSA maliban kung may dalang essential goods.
Pinag-aaralan pa rin ng MMDA kung kanilang ibabalik ang number coding sa umaga habang rush hours.
Samantala, humingi ng tulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng COVID-19 health protocols sa pampublikong transportasyon.
Dahil kulang ang manpower ng LTFRB, hiningi ng LTFRB na pumasok ang PNP upang masigurado na ang mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon ay sumusunod sa mga minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1 sa Metro Manila.
“We have already coordinated with the PNP because they are the bigger organization, to help us in enforcement,” wika ni LTFRB executive director Kristina Cassion.
Niliwanag ni Cassion na kahit na 100 percent ang kapasidad sa mga pampublikong transportasyon tulad ng bus, jeepney, tricycle, ride-hailing services at taxis ay hindi pa rin talaga pinapayagan ang buong kapasidad dahil kailangan pa rin na mag observe ang mga pasahero ng social distancing, pagsuot ng face masks at bawal ang pag-uusap sa loob ng sasakyan. LASACMAR
-
Ads December 9, 2022
-
Maraming naalarma sa ‘baby-themed photoshoot’ niya: DONNALYN, binatikos at agad nag-apologize sa maling nagawa
PINAG-USAPAN at umani nang sandamakmak na batikos mula sa mga netizens ang ginawang birthday photo shoot ni Donnalyn Bartolome na kung saan makikita ang isang sexy baby. Pahayag ng aktres, singer at vlogger, “Contradicting ‘tong shoot na ‘to kasi baby ako sa shoot na ‘to but it’s my actual first daring and sexy […]
-
Three ‘Filipino BL Series’ Now Streaming on WeTV and iFlix
HERE are three new Pinoy BL series that remind us that love can be found when and where you can least expect it – and you can watch them for free on WeTV and iflix. QUARANTHINGS: THE SERIES (2020) CAST: Royce Cabrera, Kyo Quijano DIRECTOR: Pancho Maniquis Quaranthings: The Series follows the friendship of two boys, […]