MMDA gagamitin na Command Center ng Comelec
- Published on November 15, 2024
- by @peoplesbalita
GAGAMITIN ng Commission on Elections (Comelec)
ang communications at command center ng Metropolitan Manila Development Authority’s (MMDA) sa darating na halalan.
Ito ay makaraang lumagda ng memorandum of agreement nitong Martes ang Comelec at MMDA kung saan ang command center ay gagamitin bilang hub para sa Comelec coordinating activities.
Magbibigay ang MMDA ng karagdagang tauhan ,equipment tulad ng deployable cameras at body-worn cameras ,radios at iba pang communication devices na idedeploy sa critical areas para sa election-rekated monitoring at communication activities at iba pang resources sa midterm elections.
Bilang karagdagan sa CCC, magbibigay din ang MMDA sa Comelec ng access s akaniong mobile command center para mapadali ang real-time monitoring.
Bilang bahagi ng kasunduan, magtatalaga ang MMDA ng isang kinatawan sa Comelec command center para sa final testing at sealing, international observation, mock elections, at iba pang kaugnay na aktibidad sa halalan.
Dagdag pa rito, ang mga opisyal ng MMDA ay dapat magbigay ng storage para sa mga nakumpiskang materyales kung kinakailangan.
Pinasalamatan ni Comelec chair George Erwin Garcia ang MMDA sa pakikipagtulungan. GENE ADSUARA
-
Kakantahin ang first Christmas song: JK, may paandar na pangangaroling sa kanyang fans
TUNGKOL sa male singers ang column items natin for today. Una ay si Juan Karlos o JK Labajo. Paandar ang pangangaroling ni JK ngayong Pasko sa kanyang fans, huh! At hindi ito drowing dahil tinotoo niya na sinimulan niya sa isang senior citizen na masugid na tagahanga ni JK. Bago pa […]
-
DA, mage-establisa ng 2-MONTH SUGAR BUFFER STOCK
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mage-establisa ang Department of Agriculture (DA) ng two-month sugar buffer stock para pababain ang presyo at maiwasan ang kakapusan sa hinaharap. “Again [for] sugar, to cut down speculation, we are guaranteeing a buffer stock of two months. So hindi magkaka-shortage, hindi dapat tataas ang presyo,” […]
-
PAGBILI NG BAGONG VCM, INIREKOMENDA
DAPAT nang umarkila ng mga bagong vote counting machine para sa pagsasagawa ng 2025 polls at higit pa upang maiwasan ang mga insidenteng hindi gumaganang VCM sa hinaharap. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia ang posisyon sa deliberasyon ng Commission oin Appointments sa kanyang nominasyon bilang poll body chairperson at sinabing hindi na […]