• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA kakausapin ang LGUs ukol sa pagbabalik ng provincial buses’ sa EDSA

MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa local government units (LGUs) hinggil sa pagpapalabas ng ordinansa na magre-regulate sa posibleng pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa kahabaan ng EDSA.

 

Sinabi ni MMDA chairperson Benjamin Abalos Jr. na plano niyang makipagkita sa mga Alkalde ng Pasay, Caloocan, Makati, Mandaluyong, San Juan at Quezon City para tulungan ang mga ito na pangasiwaan ang provincial buses sakali’t maipagpatuloy na ng mga ito kanilang operasyon sa mga pangunahing lansangan.

 

“Kasi kung may ordinansa sila, number one baka pwedeng ‘wag nilang payagan or number two, lagyan ng window period—sige pumasok ka pero 12 a.m. hanggang 4 a.m ka lang—pwedeng ganon,” ayon kay Abalos.

 

Ani Abalos, binago ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga ruta ng mga bus para bigyang-daan ang bus carousel na may 85 bus stations sa Kalakhang Maynila kabilang na ang 37 sa kahabaan ng EDSA.

 

“Nung ginawa ito ng LTFRB, nagdemanda ‘yung isang bus company na, ‘Hindi mo pwedeng gawin sa amin ‘yan, pwede pa ring bumyahe sa EDSA.’ In short, nabigyan ng temporary restraining order (TRO) ng isang judge,” aniya pa rin.

 

Idnagdag pa ni Abalos na noong panahon na nagsimula pa lamang ang COVID-19 pandemic, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nagpalabas ng resolusyon para gamitin ng mga terminal para sa pagsunod sa health protocols.

 

Sa oras naman aniya na mabawi ang resolusyon, ang nasabing TRO ay maaari nang ipatupad, papayagan na ang pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa EDSA.

 

“Hindi covered ng TRO ‘yon dahil IATF ‘yon eh. Ang problema, ito ngayon sa IATF, parang tatanggalin na itong patakaran na ito dahil mababa na ang kaso, hindi na kailangan ng alert level,” ayon kay Abalos.

 

“Currently, passengers coming from the south have to alight at the Paranaque Integrated Terminal Exchange (PTEX), while those from the north have to go down at the Valenzuela Gateway Complex  Integrated Terminal (VGCIT). From there, they have to take another bus passing through the EDSA carousel stations,” ayon kay Abalos sabay sabing “Ngayon, feeling ko mas trabaho tayo para of course i-convince ang mga mayors na magkaron sila ng ordinansa dahil ‘yon, hindi na saklaw ng TRO. It’s the only legal way at a lawyer na nakikita ko talaga at napagusapan namin.” (Daris Jose)

Other News
  • Team Philippines reresbak sa 2023 Cambodia SEAG

    MAITUTURING  pa ring tagumpay ang kampanya ng Pilipinas sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ito ay mula sa hinakot na 52 gold, 70 silver at 104 bronze medals ng Pinas para pumuwesto sa fourth place sa overall medal standings bagama’t apektado ng pandemya ang training ng mga atleta simula […]

  • Mga pulis na kasama sa video ng P6.7-B anti-drugs ops, sasampahan ng kaso- Abalos

    SINABI ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga police officers na kasama sa  video ng operasyon sa Maynila noong nakaraang taon kung saan P6.7 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam.     “In 10 days malalaman ninyo kung ilang mga pulis na kasama sa video […]

  • Pacquiao may inhandang ‘surpresa’ kay Ugas sa kanilang fight day

    May malaking sorpresa si boxing champion Manny Pacquiao sa laban nito kay Yordenis Ugas sa araw ng linggo.     Ayon kay Joey Concepcion ng Team Pacquiao, kakaibang Pacquiao ang makikita sa laban kontra Ugas kung ikukumpara sa laban dati kay Broner at Thurman.   Magkakaroon aniya ng pagbabago sa footwork ni Pacquiao, na ikabibigla […]