MMDA: LGUs sa MM magpapatupad ng 7:00 hanggang 4:00 working hours
- Published on April 12, 2024
- by @peoplesbalita
SIMULA ngayong Lunes ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ay magpapatupad ng 7:00 sa umaga hanggang 4:00 ng hapon ang working hours na pinagtibay ng isang Metro Manila Council (MMC) resolusyon na may petsang Feb. 28, 2024.
Ayon sa MMDA mula sa kabuohang 645,000 na empleyado ng pamahalaan sa Metro Manila, may tinatayang 22 porsiento or 145,000 na mga tao ang may mga sasakayan.
Mula sa dating 8:00 ng umaga hangang 5:00 ng hapon, gagawing 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon na lamang ang operasyon ng LGUs bilang sagot sa lumalalang trapiko sa Metro Manila.
“The persistent traffic congestion in Metro Manila demands innovative solutions for the improvement of commuting conditions and the well-being of the citizens of the NCR,” wika ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Don Artes.
Noong nakaraang Miyerkules inihayag ni Artes ang pagbabago sa working hours ng mga empleyado ng LGUs ng magkaron ng town’s hall meeting si President Ferdinand Marcos tungkol sa traffic woes.
Hinihikayat din ang national government na gayahin ang bagong working hours ng mga LGUs.
Ayon sa 2023 TomTom Traffic Index, ang Metro Manila ay isa sa top metro areas na may mabagal na travel time mula sa kabuohag 387 na lungsod sa 55 na bansa sa buong mundo. Dagdag ng report na may 25 minuto hanggang 30 segundo ang maglakbay ng 10 kilometro sa Metro Manila dahil sa trapik.
Samantala, nilatag din ni Artes ang mga polisia ng MMDA na ginawa sa ilalim ng kanyang ahensiya at pamumuno. Isa na rito ay ang pagbabawal sa mga e-trikes at iba pang paraan ng pagsakay sa mga panghunahin lansangan sa NCR. Itinaas rin ng MMDA ang multa sa illegal na paggamit ng EDSA bus lanes kasama na ang pagtaas ng multa sa illegal parking at ang pagkakaron ng esklusibong daanan ng mga motorcycles sa kahabaan ng Commonwealth sa lungsod ng Quezon.
May plano rin ang MMDA na mas palawakin ang paglalagay ng motorcycle lanes sa buong Metro Manila at ang pagdadagdag ng Mabuhay Lanes. LASACMAR
-
3×3 basketball tournament pinayagan ng magsagawa ng bubble games
NAKAKUHA na ng go signal mula sa Inter-Agency Task Force ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na magsagawa ng bubble game sa Calamba, Laguna. Isasagawa ang nasabing President’s Cup sa Oktubre 21 na unang hindi pinayagan noong nakaraang dalawang linggo. Sinabi ni league owner Ronald Mascariñas, na labis silang nagagalak dahil sa pinayagan na silang […]
-
Patuloy na ibibigay ang pagka-inis ng viewers… RICHARD, ‘di alam kung kailan magtatapos ang top-rating series
TILA wala nang katapusan ang extension ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ dahil nga sa consistent na mataas na ratings nito. Kaya tanong namin kay Richard Yap, hanggang kailan ba ang show nila? “As of now wala pa kaming ending e, so hindi pa namin alam, but of course, we […]
-
Ads January 25, 2020