MMDA, magde-deploy ng mahigit sa 2.7K personnel para sa Mahal na Araw
- Published on April 9, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG mag-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 2,681 tauhan nito sa iba’t ibang pangunahing lansangan, transport hubs, at iba pang mahahalagang lugar sa National Capital Region (NCR) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Semana Santa.
Sa isang kalatas, sinabi ni MMDA Chair Romando Artes na ang mga tauhan na ito ay ide-deploy mula Abril 8 hanggang Abril 18.
“Majority of the traffic personnel will be assigned to roads leading to provincial bus terminals, seaports, airports, and major churches, to ensure the safety of thousands of commuters expected to travel to nearby provinces to take advantage of the long Holy Week break,” ayon kay Artes.
Nakatuon ang pansin ng mga tauhan ng MMDA ani Artes sa “entry and exit points” sa Kalakhang Maynila gaya ng North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Coastal Road, MacArthur Highway, Mindanao Avenue, at A. Bonifacio.
Ang mga traffic enforcers at iba pang personnel ay itatalaga sa madalas na binibisitang simbahan gaya ng Redemptorist Church sa Parañaque City, Sto. Domingo sa Quezon City, San Agustin sa Intramuros, at Quiapo Church sa Maynila.
At upang matiyak na sapat ang mga personnel para sa panahon na ito, idineklara ng MMDA ang “no day-off and no absent policy” para sa lahat ng kanilang traffic at field personnel lalo na sa panahon na inaasahan na mas magiging mahigpit ang vehicular traffic.
“These contingency measures are aimed to ensure a peaceful, orderly, and meaningful observance of Lent,” ayon kay Artes.
Inanunsyo rin ni Artes ang suspensyon ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o mas kilala bilang number coding scheme sa NCR sa panahon ng Huwebes Santo (Maundy Thursday) at Biyernes Santo (Good Friday) kapwa deklaradong holidays.
Ang deployment ayon kay Artes ay bahagi ng “Oplan Metro Alalay Semana Santa 2022” ng gobyerno kung saan kasama ang Philippine National Police NCR Police Office, at iba’t ibang local government units, traffic bureaus, at iba pang ahensiya ng gobyerno. (Daris Jose)
-
Kahit nagluluksa pa ang kanilang pamilya: Anak ni CHERIE na si BIANCA, ‘di nagpatinag sa mga kumwestiyon sa pag-attend sa party
HINDI nagpatinag ang anak ni Cherie Gil na si Bianca Rogoff sa mga bashers na kumwestiyon sa pag-attend sa isang party kahit kamamatay lang ng kanyang mommy. Binatikos ang anak ng yumaong aktres sa dating asawang na si Rony Rogoff na kilalang Israeli violinist. Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pag-attend niya ng […]
-
COVID cases sa Pinas papalo sa kalahating milyon ngayong 2020 – UP experts
Posibleng pumalo sa 585,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 batay sa taya ng University of the Philippines (UP). Ito ay makaraang palawigin ng UP COVID-19 Pandemic Response Team ang kanilang projection hanggang sa Dec. 31 ngayong taon. Maaaring bumaba sa 402,000 ang detected cases ngunit posible rin pumalo sa 767,000. […]
-
$2-M ADB grant para suportahan ang ‘Odette’ relief ng Pilipinas
INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang $2-million grant para suportahan ang emergency response ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nasalanta at nawasak na lugar sa central at southern provinces dulot ng bagyong Odette. Ang bagyong Odette ang itinturing na “strongest typhoon” na tumama sa bansa noong nakaraang taon. Ang grant […]