MMDA maghihigpit pa rin sa mga e-bikes, light vehicle kahit suspendido ni PBBM ang pagpapatupad
- Published on April 25, 2024
- by @peoplesbalita
MAGIGING mahigpit pa rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbabawal sa mga light vehicles tulad ng e-bikes, e-trike, at tricycles sa kanilang pagdaan sa mga pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila.
Ito ay ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes at kung saan sinabi rin niya na susunod naman sila sa utos ni President Ferdinand Marcos na magkaroon ng “partial suspension” sa multa at ang pag-impound ng mga e-bikes.
“Enforcers from MMDA and local government units (LGUs) in Metro Manila would still accost light vehicle users violating the restriction. We would do more to inform them of alternate routes. We were not able to release information on which roads are prohibited, which ones are allowed,” wika ni Artes.
Dagdag pa ni Artes na siguro naman ay sapat na ang isang (1) buwan grace period para sa suspension ng pagpapataw ng multa at impounding ng mga ito. Sapat na rin ang isang buwan upang magkaron ng information dissemination sa mga drivers tungkol sa mga alternate routes habang ang mga pasahero naman ay magiging handa rin kung saan sila puwedeng sumakay ng ibang alternate mode ng transportasyon.
Nagbigay naman ng reaksyon si Artes sa kumento ni President Marcos na ang multang P2,500 ay masyadong malaki subalit kanyang sinagot na ginawa nilang mataas upang talagang parusahan ang mga sumusuway at hindi sumusunod sa batas.
“There would be no changes to be made in the regulation following the President’s declaration. There were 290 light vehicles, mostly e-trikes and tricycles, were fined, with 69 light vehicles impounded in the two days before Marcos’ order,” saad ni Artes.
Sa mga mga na impound na sasakyan, ayon kay Artes na ang mga LGUs sa Metro Manila ang siyang magdedesisyon kung anong gagawin sa mga nakuhang sasakyan dahil mayron naman silang sariling mga ordinances na pinatutupad tungkol sa banning ng mga light vehicles sa mga national roads.
Tinatawagan rin ni Artes ang mga may-ari ng mga light vehicles na irehistro nila sa Land Transportation Office (LTO) ang kanilang mga sasakyan at kumuha rin sila ng kanilang driver’s license habang may month-long grace period pa na ipinatutupad ang pamahalaan.
Noong nakaraang Huwebes ay inutusan ni Marcos ang MMDA at mga LGUs na ihinto muna ang pagpapataw ng multa at impounding ng mga light vehicles na mahuhuli sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila kung saan bawal dumaan ang mga ito.
Binigyan ni Marcos ng isang buwan na grace period ang mga may-ari ng mga light vehicles upang mabigyan sila ng sapat na panahon upang pag-aralan ang banning.
“I ordered the MMDA ang LGUs in Metro Manila to give a grace period to e-bikes, e-trikes and other affected vehicles plying the roads of Metro Manila. We need to give enough time for a wider dissemination of information on the implementation of the ban,” sabi ni Marcos. LASACMAR
-
Ads January 28, 2023
-
Tripol-dobol ni Ayonayon nagpatalsik sa Skycrapers
BUMIDA sina MiCHAEL Ayonayon at dating Philippine Basketball Association (PBA) John Wilson sa paghatid sa defending champion San Juan Knights sa national finals sa pagpapabagsak sa may limang player lang na Makati Super Crunch Skycrapers, 131-54, sa balik ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup 2019-20 North Division Finals nitong Miyerkoles ng gabi […]
-
Ilang LGU sa Metro Manila sisimulan ng ipamigay ang cash assistance
Sisimulan na bukas Abril 6, 2021 ng ilang local government unit (LGU) ng Manila, Marikina, Navotas at Quezon City ang pamamahagi ng cash assistance. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, makakatanggap mula P1,000 hanggang P4,000 ang bawat benepesaryo mula sa nabanggit na mga lugar. Magugunitang naglaan ang […]