MMDA , makikipag-ugnayan sa DepEd sa pagpapatuloy ng limited in-person classes sa NCR sa ilalim ng Alert Level 2
- Published on February 3, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Metro Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos na makikipag-ugnayan siya sa Department of Education para sa pagpapatuloy ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa Alert Level 2 sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Makikipag-usap kami agad sa DepEd kasi importante ang edukasyon. Napakaganda na ng ating pilot face-to-face classes noong nakaraan,” ayon kay Abalos sa Laging Handa briefing.
Tinukoy ni Abalos ang mga panahon bago pa ipinatupad ang pagsuspinde sa in-person classes nang ang Kalakhang Maynila, epicenter ng pandemya ay inilagay sa Alert Level 3 noong nakaraang Enero 2 hanggang katapusan ng kaparehong buwan sa gitna ng tumaas na bilang ng COVID-19 cases at pag-usbong ng ma nakahahawang Omicron variant.
“We will look into it and have a dialogue with Education Secretary Liling Briones and the rest of DepEd officials so we can resume out pilot face-to-face classes,” dagdag na pahayag ni Abalos.
Matatandaang, August 2021, naipakita sa education group poll na 66% hanggang 86% ng public school students ay bahagyang natuto sa remote learning setup na ipinatupad dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang poll, isinagawa ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE Educ Movement) sa 1,299 public students sa iba’t ibang bansa, ay nagpahayag ng “highest percentage” ng mga bahagyang natuto sa ilalim ng remote learning na 86.7% na naitala sa hanay sa ilalim ng modular learning o iyong mga nag-aaral base sa printed modules.
Sa kabilang dako, 74% ng nasa ilalim ng blended learning (partly online, partly modular) ay nagpahayag na bahagya silang natuto kumpara sa pre-pandemic times.
Iyong mga nasa ilalim ng full online learning ay “were also no better, with 66% saying they learned less.”
Tinukoy sa poll na “majority of student respondents experienced occasional or regular problems with computer access, computer skills, internet cost, internet signal, understanding the lessons and complying with class requirements.” (Daris Jose)
-
Kaso ng pertussis, tigdas lumobo – DOH
HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna matapos ang biglang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng pertussis o ubong dalahit at measles o tigdas sa bansa. Sa datos ng DOH, sa unang 10-linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitatalang mga kaso ng pertussis. […]
-
President Marcos at VP Sara, dumalo sa misa sa unang araw ng trabaho
DUMALO kahapon ng umaga sa isang misa sina President Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio. Pumunta ang dalawa sa San Miguel Church o National Shrine of St. Michael the Archangels sa lungsod ng Maynila, kung saan naging limitado lang ang bilang ng mga dumalo sa nasabing simbahan. Pinangunahan ito […]
-
Garcia tutumba kay Pacquiao!
Hindi tatagal si dating world champion Mikey Garcia sa ibabaw ng ring sa oras na makasagupa nito si eight-division world champion Manny Pacquiao. Ito ang pananaw ni strength and conditioning expert Justin Fortune kung matutuloy ang planong pagtutuos nina Pacquiao at Garcia sa Hulyo o Agosto sa Dubai, United Arab Emirates. […]