• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA, MMC magsasagawa ng malawakang pag-aaral hinggil sa posibleng bagong number coding scheme

SANIB-PUWERSA ang Metro Manila Council (MMC) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagsasagawa ng mas malawak na pag-aaral para sa implementasyon ng bagong number coding scheme sa rehiyon.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na si Pasig Mayor Vico Sotto ang nagpanukala na pag-aralang mabuti ang bagay. Nagkaroon kasi ng pagpupulong sa pagitan ng MMDA at MMC bago pa ang 2022 polls.

 

 

“’Yan po ay pagpupulungan namin once na matapos po ‘yung further study na ‘yan. At magde-decide po ang MMC kung kailan po ipapatupad itong bagong number coding scheme,” ani Artes.

 

 

Mayroon din aniyang suhestiyon na ipagpaliban ang implementasyon ng bagong number coding scheme hanggang sa susunod na administrasyon.

 

 

“If the new scheme will be implemented before the current administration ends, it is suggested to have a review on the policy every three months,” ani Artes.

 

 

Nito lamang buwan ng Abril, ipinanukala ng MMDA ang bagong number coding scheme na ang pangunahing layunin ay bawasan ng 40% ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.

 

 

Sa ilalim ng panukalang coding system, ang mga pribadong sasakyan ay pagbabawalan na bagtasin ang mga apektadong lansangan ng dalawang araw mula alas- 5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

 

 

“Plate numbers ending 1 and 2 will be on Monday and Wednesday; those ending in 3 and 4 on Monday and Thursday; 5 and 6 every Tuesday and Thursday; 7 and 8 Tuesday and Friday; and 9 and 0 every Wednesday and Friday,” ayon pa rin kay Artes.

 

 

Ang mga Public utility vehicles (PUV) gaya ng bus, jeepney, taxi, at ride-hailing services ay “excluded” o hindi kasama mula sa scheme.

 

 

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ng MMDA ang modified number coding scheme mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes maliban tuwing holidays. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Pilot face-to-face classes sa pribadong eskuwelahan, nakatakda sa Nobyembre 22 —Briones

    NAKATAKDA nang simulan ang pilot run ng face-to-face classes sa mga pribadong eskuwelahan sa darating na Nobyembre 22.   Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na target ng departamento na isama ang 20 private schools kabilang na ang international academic institutions.   “Ang […]

  • Sistema ng katarungan sa bansa, gumagana

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagana ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.     Binigyang halimbawa nito ang ginawang pagbasura ng Muntinlupa Regional Trial Court sa ikatlo at huling drug case ni dating Senadora Leila de Lima matapos ang pitong taon mula nang sampahan ang mambabatas ng kaso.     ”Well maybe this […]

  • Indian Priest, humuling ng tulong at panalangin

    Humiling ng panalangin si Indian Priest Fr. Loyola Diraviam ng Servants of Charity para sa mamamayan ng India.     Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Fr. Diraviam na lubhang nahihirapan ang marami sa kanilang komunidad dahil sa labis na pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng COVID-19.     “May I humbly request […]