• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA, nagpaalala sa publiko na asahan ang mabigat na trapiko sa Disyembre 21

PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil magaganap ang “Parade of Stars 2022” para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Quezon City sa Disyembre 21.

 

 

Ang parada, na hino-host ng Quezon City local government unit (LGU), ay magtatampok ng mga float na may bitbit na mga bida ng walong official movie entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon na magsisimula sa Welcome Rotonda sa ganap na 4 p.m. at nagtatapos sa Quezon Memorial Circle (QMC).

 

 

Bilang bahagi ng traffic management plan ng ahensya, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Romando S. Artes na ang mga tauhan ng ahensya ay nakikipagtulungan sa mga opisyal ng Quezon City LGU at mga pinuno ng barangay upang pamahalaan ang trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga taong dadalo sa parada.

 

 

Ang 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay opisyal na magbubukas sa mga sinehan sa buong bansa mula Disyembre 25, 2022.

 

 

Ang festival ay tatagal hanggang Enero 7, 2023.

 

 

Ang Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade Committee, ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, at ang mga kinauukulang barangay officials ay nag-inspeksyon din sa ruta at sa parade grounds.

 

 

Nag-alok ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga sumusunod na alternatibong ruta noong Disyembre 21 para sa mga sasakyang papuntang Quezon City. (Daris Jose)

Other News
  • 214 Bulakenyong naghahanap ng trabaho, hired on the spot sa TNK Fiesta Caravan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Dalawang daan at labing-apat na Bulakenyo ang pumunta na naghahanap ng trabaho at umuwi na may sigurong hanapbuhay sa kanilang pagkaka-hired on the spot sa ginanap na Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK) Fiesta Caravan Job and Business Fair Local and Overseas Employment na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong […]

  • Pinas, nananawagan sa mga kapwa bansa na ipagbawal ang paggamit ng chemical weapons sa mga conflict areas

    NANAWAGAN ang Pilipinas sa mga kapwa bansa na tiyakin na walang chemical weapons at iba pang weapons of mass destruction na gagamitin para protektahan ang sibilyan sa mga conflict areas o lugar na may labanan.     Sa idinaos na 99th Session ng Executive Council ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) na […]

  • Banggaan nina Beauty at Max, tiyak na tututukan: Sen. BONG, muling bubuhayin ang iconic role niya na ‘Tolome’

    ANG hit and classic film na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay nakakakuha na ng spinoff sa small screen sa pamamagitan ng GMA Network. Mula sa pagiging isang iconic film hanggang sa isang action-comedy series, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay pagbibidahan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., […]