• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA nilunsad ang P300 M na command center

NAGKAROON ng inagurasyon noong nakaraang linggo ang pinakabago at epektibong command at communications center ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bansa na siyang magiging “nerve center” sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

 

 

 

Nagkakahalaga ng P300 million ang nasabing command center ng MMDA ayon kay MMDA chairman Don Artes.

 

 

 

“Through the command center, the MMDA can monitor the activities around Metro Manila captured by 403 high-tech CCTV cameras and body cameras worn by traffic enforcers. These CCTV cameras are located across major thoroughfares, pumping stations, waterways, and the Manila Baywalk Dolomite Beach,” wika ni Artes.

 

 

 

May ilalagay din and MMDA na 166 CCTV cameras na may analytics power sa kahabaan ng EDSA Bus Carousel Route.

 

 

 

Ang command center ay may nakalagay din na operations center, data center, situation room, viewing gallery, media room at power room.

 

 

 

Dahil sa makabagong tecknologiya na nakalagay, ang MMDA ay maaari rin magkaron ng remote control sa mga traffic lights sa pamamagitan ng command center na may Intelligent Traffic Signalization System. Ang CCTV cameras at Intelligent Transport System ay konektado sa command center sa pamamagitan ng 899 kilometers fiber optic network across Metro Manila. Ang nasabing network ay siyang pinakamalaking fiber optic na pag-aari ng pamahalaan sa National Capital Region.

 

 

 

“There are 105 kilometers of fiber optic cable that are still being installed. The agency also plans to lay down 45 kilometers of fiber optic to connect 17 local governments in Metro Manila to the command center,” saad ni Artes.

 

 

 

Dagdag pa ni Artes na kapag may mga emergencies, ang MMDA ay makakaasa sa kanilang Hyetera Radio Smart Dispatch System na isang soft-ware na may built-in global positioning system at smart map upang malaman ng mga traffic enforcers ang real time. Ang system ay maaari rin gamitin upang ang mga traffic enforcers ay makapag usap sa isat’ isa.

 

 

 

May plano rin ang MMDA na magkaron ng artificial intelligence sa MMDA’s traffic enforcement at management. Sa pamamagitan ng AI, ang mga license plates ay makukuha habang ang facial recognition at behavioral analytic na makukuha rin ay gagamitin naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa crime prevention at resolution.

 

 

Kamakailan lamang ang MMDA ay bumili ng 120 body cameras at hand-held ticketing cameras devices para sa implementation ng single-ticketing system. LASACMAR

Other News
  • P9 pa rin ang minimum na pamasahe

    MANANATILING P9 pa rin ang minimum na pamasahe hanggang hindi pa binibigyan ng aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga public utility jeepneys (PUJs) na P10 bilang provisional na pamasahe.       Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na humingi ang mga transport groups na itaas ang pamasahe […]

  • PBBM, ginarantiya ang trabaho para sa lahat

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko na lahat ay magkakaroon ng trabaho sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas” na kanyang pinro-promote.     Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos niyang i-welcome ang ulat na ang labor force participation ng bansa ay umakyat sa 66.6% noong Disyembre 2023, habang ang employment rate ay […]

  • Super Suwerte hinahanap ng bayang karerista sa PGC

    KABADO ang mga tagasunod ni Super Suwerte dahil nasa reserve list lang sa nakatakdang 2020 Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Linggo, Disyembre 27.   Nasa 15 kabayo ang naghayag ng intensiyong lumahok sa prestihiyosong karera. Pero 14 lang ang mga tatanggaping entry.   Sa kapapaskil ng […]