• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: Number coding maaaring ibalik muli

            Tinitingnan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMA) ang posibleng pagbabalik ng pagpapatupad ng unified vehicle volume reduction program (UVVRP) o ang tinatawag na number coding kung magpapatuloy pa rin ang lumalalang vehicular traffic sa Metro Manila.

 

 

 

Ang nasabing number coding ay sinuspende simula ng nagkaron ng pandemya noong nakaraang taon at maaaring ipatupad muli sa rush hours mula 5:00-7:00 ng umaga at mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.

 

 

 

Ayon naman kay Chairman Benhur Abalos na ang travel time sa ngayon ay manageable pa rin subalit kailangan pa rin na obserbahan bago magdesisyon kung talagalang sususpendihin pa rin ang number coding.

 

 

 

Noong wala pa ang pandemya, may 405,000 na mga sasakyan ang pumapasok at lumalabas ng Metro Manila. Nitong mga nakalipas na araw, naitala ng MMDA na may 399,00 na sasakyan ang dami na pumapasok at lumalabas sa kalakhang Maynila.

 

 

 

Dagdag pa ni Abalos na dati rati ang travel time mula Monumento papuntang Roxas Boulevard ay 11 kilometers kada oras bago pa ang pandemya. Subalit nang nagkaron na ng pandemya ito ay naitala sa 23 kph. Sa ngayon, ito ay 19 kph na lamang.

 

 

 

“During the pandemic, it became 23 kph. Right now, it is 19. It slowed down a bit but still substantial from 11 kph. There are also other factors to consider in bringing back the UVVRP, among them that public transport is not yet normal in the sense that capacity is only 70 percent and you could even observe the long queue during peak hours for buses and other public utility vehicles,” wika ni Abalos.

 

 

 

Sinabi rin ni Abalos na kung ibabalik ang number coding scheme sa loob ng isang araw na katulad noong wala pang pandemya, ang mga mamayan na may isa lamang na sasakyan ay mapipilitan na sumakay sa mga pampublikong sasakyan na siya naman na magdudulot ng pagsisikip sa mga transport terminals.

 

 

 

Dahil ang COVID-19 ay isa pa rin na threat hanggang ngayon, ang sasakyan ang siyang nagsisilbing “personal health bubble” ng isang commuter.

 

 

 

“We have to balance these out because of this we are thinking of third option. We can implement the number coding but only during rush hours,” saad ni Abalos.

 

 

 

Sa ngayon, ang MMDA ay naghahanap ng middle ground upang ang isang tao na may isa lamang sasakyan ay magagamit pa rin niya ito.

 

 

 

“You will be forced to go to work early and get home late, but still use your car. At the same time, we spread out the traffic,” pagtatapos ni Abalos. LASACMAR

Other News
  • CHED, gumawa ng aksyon laban sa Caloocan college na kontra sa phase-out order sa 5 programa

    HINIKAYAT ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga apektadong estudyante ng St. Vincent De Ferrer College of Camarin (SVDFCC) sa Caloocan City na makipag-ugnayan sa National Capital Region (NCR) office para sa ‘guidance at assistance.’         Ito’y matapos na i-post ng CHED, kasama ang local government ng Caloocan ang notices sa […]

  • Ads March 25, 2023

  • Sec. Ano extended pa ng isang buwan ang leave of absence – DILG

    Hiniling ni ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na i-extend pa ng isang buwan ang kaniyang leave of absence.     Ayon kay DILG OIC Usec Bernardo Florece magpapatuloy ang bakasyon ni Año hanggang March 31.     Sinabi ni Florece na nasa maayos nang kalagayan ang kalihim at nakalabas na ng ospital […]