• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA: Pasig River ferry muling nag operate ng short trips

MULING nag operasyon ang Pasig River ferry subalit short distrance trips lamang pagkatapos maalis at matangal ang ibang water hyacinths sa nasabing ilog.

 

Ang ferry service ay mayron short distance trips mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang Sta. Ana sa Manila.

 

Sa isang nakaraang statement, sinabi ng MMDA na hinto muna ang serbisyo hanggang wala pang notice mula sa management ng MMDA dahil ang water hyacinths ay nakabara sa daraanan ng ferry boats sa nasabing ilog na siyang naging problema upang hindi makadaan ang mga ferry boats at makapag operate ng tama.

 

“We used trash skimmers, boats and traps to clean up the river but they are not enough to contain the water hyacinths’ growth during the rainy season,” ayon sa MMDA.

 

Ang nakaraang suspension ay nangyari sa loob lamang ng isang linggo pagkatapos ang MMDA ay mag resume ng ferry service noong Sept. 28.

 

Noong August, ang ferry service ay binuksan din para magbigay ng serbisyo sa mga healthcare workers at government employees.

 

Sinuspende ng pamahalaan ang lahat ng klase ng transportasyon noong March pagkatapos magpatupad ng community quarantine ang pamahalaan upang huwag ng kumalat ang COVID-19.

 

Kamakailan lamang ay binigyan ng allocation ng pamahalaan ang Pasig River ferry system na nagkakahalaga ng P176 million sa 2020 General Appropriation Act upang mapabilis ang development nito.

 

Mayron 11 statations ang ferry service na may kahabaang 25- kilometer. Ang mga stations ay Escolta; Lawton; Polytechnic Uni- versity of the Philippines (PUP); Sta. Ana at Lambigan sa Manila; Pinabuhatan, San Joaquin, Maybunga sa Pasig City; Valenzuela at Guadalupe sa Makati; at Hulo sa Mandaluyong.

Other News
  • Q­uezon City, isinailalim sa state of calamity

    DAHIL sa pinsalang inabot sa pananalasa ng bagyong Kristine, nagdeklara na kahapon ang Q­uezon City government ng state of calamity.     Ito ay makaraang aprubahan sa special session ng QC Council sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto at Majority Leader Doray Delarmente ang isang resolusyon hinggil sa pagsasailalim sa state of calamity sa […]

  • BI, pag-aaralan ang mga records at kaso ng ‘crypto scam’ trafficking victims

    PAG-AARALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang records ng walong repatriated Filipinos na nabiktima ng cryptocurrency scammers.     Sinabi ni Commissioner Norman Tansingco na inatasan niya ang Travel Control and Enforcement ng Bureau of Immigration na imbestigahan ang kaso ng mga biktimang ito na dumating sa bansa noong Lunes ng gabi sa pamamagitan ng […]

  • LTO: Local traffic enforcers, hindipuwedengkumpiskahin ang drivers’ licenses

    PINURI  ng Land Transportation Office (LTO) ang bagong memorandum na inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa mga lokal na traffic enforcers na kumpiskahin ang mga drivers’ licenses ng mga lumabag sa batas trapiko.       Diniin ng DILG na ang may kapangyarihan lamang nakumpiskahin ang mga drivers’ […]