MMDA, pinaalalahanan ang publiko na dalhin ang ID at vaccination card
- Published on January 6, 2022
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na palaging dalhin ang kanilang ID at vaccination card.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na magkakaroon kasi ng mga random checking sa lahat ng mga gusali habang nasa ilalim ng alert level 3 ang NCR at ilang lugar sa bansa.
“Titingnan po ito sa lahat ng mga gusali na papasok ‘no, random po ito at of course makikipag-ugnayan tayo sa mga kapulisyahan to make sure that we are really serious on this,” ayon kay Abalos.
Tiniyak ni Abalos na makikipagtulungan ang national government sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP) sa mga kawani ng LGU at kasama na ang mga private sector gaya ng sa mga malls upang masiguro na maipatutupad ito.
Ani Abalos, bahagi ito ng gagawing paghihigpit sa galaw ng mga unvaccinated and partially vaccinated na inaprubahan sa pamamagitan ng resolusyon ng Metro Manila Council.
“Well, let me state this very clearly ‘no. Wala pong lawmaking power ang MMDA o ang Metro Manila Council – this is a resolution ‘no. Ibig sabihin it’s a manifestation na lahat po ng mga alkalde through their local government units and all respective councils ay gagawa ng kaniya-kaniyang ordinance na uniformed ‘no; so ito po ay gagawin ng bawat city o municipal council ng bawat local government units in Metro Manila. Pero mabilis na lang po ito dahil may template na po kami,” aniya pa rin.
-
Operators ng libreng sakay sa EDSA nanghihingi ng dagdag singil sa gobyerno
NANGHIHINGI ng dagdag singil sa gobyerno ang mga operator ng bus sa EDSA carousel na nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board kahapon. Sinabi ni LTFRB chief Cheloy Garafil, dalawang consortia na tumatakbo sa EDSA runway ang umaalma para sa dagdag bayad ng kanilang […]
-
Doon na magsi-celebrate ng mag-Pasko at Bagong Taon: Pambato ng ‘Pinas na si CELESTE, nasa US na bilang paghahanda sa ’71st Miss Universe’
NASA US na si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi para sa kanyang paghahanda sa 71st Miss Universe na gaganapin sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana. Sa US na mag-Pasko at Bagong Taon si Celeste dahil sa magiging schedule of activities ng Miss Universe pagpasok ng January 2023. […]
-
Basurang iniwan ng bagyong Enteng sa Malabon, nalinis na
NAALIS na ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Malabon ang mga basurang naiwan sa mga kalsada pagkatapos ng Bagyong Enteng. Ang cleanup operation ay bilang tugon sa kamakailang mga alalahanin ng publiko at mga reklamo sa social media tungkol sa mga tumpok ng basura sa iba’t ibang bahagi ng […]