• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA sa mga kandidato: ‘Wag mangampanya sa sementeryo

UMAPELA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kandidato sa 2025 Midterm elections na iwasang mangampanya at sa halip ay ibigay ang panahon at oras sa namayapa at mga pamilya nito.

 

 

Ginawa ni MMDA Chairman Artes ang apela kasabay ng kanyang pulong sa mga kinatawan ng 17 local government units (LGU) sa Metro Manila at ilang concerned government agencies sa pagsa­sapinal ng “Oplan Undas 202” nitong Oktubre 18.

 

“Ako naman po ay naniniwala na may sense of decency pa rin ang mga pulitiko na hindi nila sasamantalahin ang pagkakataong ito..,”ani Artes.

 

Dapat din aniyang, sumunod sila sa itinakdang regulasyon ng local government units (LGUs) para sa kaayusan at kapayapaan sa mga sementeryo.

 

 

Una nang nagpaalala ang Manila City go­vernment na “no private or political groups may hold events to ensure a solemn commemoration of All Souls Day.”

 

Kabilang sa priority areas ang limang public cemeteries na kinabibilangan ng Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Bagbag Public Ce­metery in Quezon City, Loyola Memorial Park sa Marikina, at San Juan Public Cemetery na tututukan ng mga awtoridad at MMDA.

 

 

Gayunman, papayagan naman ang paglalagay ng tent ng mga pulitiko na mamimigay ng pagkain at inumin.

Other News
  • Ads June 30, 2022

  • PROYEKTONG MAS MAGPAPAANGAT SA BUHAY NG NAVOTEÑOS, SISIMULAN

    INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na sinimulan ng tambakan at i-develop ng San Miguel Corporation ang mga palaisdaan sa Tanza na may kabuuang 343 hectares airport support services.     Ayon kay Mayor Tiangco, isa itong proyekto na lalong magpapaangat sa buhay ng bawat Navoteño dahil dito itatayo ang iba’t ibang airport support […]

  • EJ Obiena handa ng sumabak sa torneo matapos ang paggaling ng kaniyang back injury

    Masayang ibinahagi ni Olympic pole vaulter EJ Obiena na ito ay gumaling na mula sa kaniyang lower back injury.   Sinabi nito na nakakuha na ito ng clearance mula sa kaniyang physician na si Dr. Alessandro Napoli at kinumpirmang magaling na ito.   Ito rin aniiya ang dahilan kung bakit hindi siya lumahok sa mga […]