Mo, Billy pupukpukin ni Leo sa center post
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
LEHITIMONG natirang sentro sina Moala Tautuaa at Billy Mamaril sa San Miguel Beer para sa parating na 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup sa papasok na buwan.
Ang dalawa muna ang ipantatapat ni coach Leovino Austria sa 11 kalabang mga koponan habang hindi pa nakakahanap ng dagdag na pamasak sa gitna sa paglaho ni June Mar Fajardo na nag-shin fracture.
Iba na rin ang mind-set ng Beermen, hanapan ng solusyon ang team-best averages na 18.87 points at 13.0 rebounds sa nakalipas na taon ni 6-foot-10 slotman Fajardo
“The scoring and the rebounding shifted to more than one person, but when it’s all said and done, we’re still a team and we gotta keep going,” reaksiyon ni Tautuaa.
Pero hindi naman aniya kinakabog ang 6-foot-8, 245-pound Fil-Tongan sa bago niyang role bilang starting center ng serbesa.
“It’s just time for me to step up, just continue to play basketball and help the team as much as I can,” wakas na bigkas ng 30-anyos na top pick ng Talk ‘N Text sa taong 2015.
Humigit-kumulang limang buwang mawawala muna si Fajardo matapos operahan ang kanang alulod na nakuha sa praktis noong noong isang linggo kaya mas kailangan ng Beermen ang total team effort sa bawat isang miyembro.
“As far as the team goes, we’re full of vets and injuries are part of the game. We all just have to step up,” komento naman ni guard Chris Ross. “Whoever’s been here, the new guys, up to the coaches, we all believe. It’s just adjusting a bit, assigning different roles, and playing a little bit different, and we’ll go from there.” (REC)
-
Hontiveros sa house-to-house search for COVID-19 cases ng PNP: Parang tokhang
Inihalintulad ni Senator Risa Hontiveros ang inisyatibang house-to-house search para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 cases sa ‘oplan tokhang’ na isasagawa ng mga pulis, local government, at health officials. Maaalalang ang oplan tokhang ay ikinasa laban sa iligal na droga. “Parang tokhang pero pang-COVID. This may actually discourage more people from reporting […]
-
2 timbog sa baril at shabu
Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos makumpiskahan ng baril at shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kahapon ng umaga. Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Ernani Panes, 27 ng 1036 Arlegui St. Quiapo, Manila at Erwin […]
-
Gen. Eleazar, bagong PNP chief
Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Lt. Guillermo Eleazar bilang susunod na Philippine National Police chief kapalit ni outgoing PNP chief PGen Debold Sinas, na nakatakda nang magretiro sa Mayo 8, 2021. “Eleazar is next Chief PNP,” pagkumpirma ni DILG Secretary Eduardo Año matapos aprubahan ng Pangulo ang appointment nito. Sinabi […]