MOA COMELEC AT MALLS PARA SA BSKE
- Published on August 8, 2023
- by @peoplesbalita
LUMAGDA na ng kasunduan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga malls para sa paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataang Election ngayong 2023.
Pinangunahan ni Comelec Chairman George Garcia at iba pang opisyal ng komisyon ang Memorandum of Agreement Signing sa SM City Manila kasama si SM Supermalls President Steven T.Tan.
Gayundin , magkakaroon na rin ng mall voting sa Robinsons mall kung saan kasama rin sa MOA signing si Faraday D.Go, ang Executive Vice-President ng Robinsons mall.
Maaalala na sinabi ng Comelec na planong magdaos ng mall voting sa 15 malls sa buong bansa para sa halalan sa Oktubre .
Kabilang sa mga piling malls ay sa Metro Manila, Region IV-A, Region V at Region VII.
Binanggit ng Comelec ang mga pakinabang ng paggamit ng mga mall bilang voting sites sa halip na mga silid-aralan, kabilang ang seguridad, pag-iwas sa pamamahagi ng mga sample ballot, at pag-iingat ng mga kagamitan sa paaralan. GENE ADSUARA
-
Columbia Pictures to distribute GMA Pictures’ “Green Bones,” “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie”
MANILA, Philippines — GMA Pictures and Columbia Pictures have entered a landmark deal for the distribution of two upcoming films “Green Bones” and “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie” in a contract signing held at the Columbia Pictures office in the Philippines on September 5. This marks the return of Columbia Pictures in distributing local […]
-
Pagbili ng submarine, nananatili pa ring bahagi ng plano ng Pinas- PBBM
NANANATILI pa ring bahagi ng plano ng Pilipinas ang pagbili ng submarine matapos ang development ng anti-submarine capabilitie nito. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbili ng submarine ay ” still part of our plan,” sa isang ambush interview sa isinagawang pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng Philippine Navy (PN). […]
-
Ads June 12, 2021