• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MOA ng EDSA busway bridge nilagdaan

Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) sa isang kasundaan sa pagitan ng mga kumpanya tulad ng SM Prime Holdings, DM Wesceslao and Associates Inc., at Double Dragon Properties Corp. para sa pagtatayo  ng EDSA busway bridges.

 

Ang mga bridges ay magkakaron ng concourse na poponduhan ng tatlong nasabing kumpanya. Ito ay magbibigay ng ligtas, maginhawa, at PWD-friendly walkways para sa mga pasahero na gagamit ng EDSA busway stations at ganon din sa mga pedestrians na tatawid ng EDSA.

 

Magkakaron ng structures na itatayo sa mga strategic locations tulad ng SM Mall of Asia, SM North EDSA, SM Megamall, Macapagal Boulevard sa Aseana City at sa kanto ng EDSA at Macapagal Avenue.

 

“I underscored the benefits of the facilities and expressed gratitude to the government and private sector partners who have greatly contributed to the project’s realization. This is a very good project with state-of-the art facility of the EDSA Busway Bridge and Concourse,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

Ayon pa rin kay Tugade, ang EDSA bridges ay laking ginhawa sa mga kababayan natin lalo na sa mga senior citizen, may mga kapansanan, at mga buntis sapagkat hindi na sila mahihirapan na mag-akyat-baba sa paggamit ng busway. Malaking bagay din ito para siguraduhing ligtas ang pagtawid at pagsakay ng mga pasahero.

 

Target ng DOTr na simulant ang proyekto sa susunod na dalawa (2) hanggang tatlong (3) buwan kapag natapos na ang detailed engineering design at nakuha na ang iba pang kailangan permit.            Inaasahang matatapos ang pagtatayo loob ng walong (8) buwan.

 

Ayon naman kay busway advocate na si Eduardo Yap na ang EDSA bridges ay magkaakaron ng concourse, state-of-the-art architecture na may concierge, ticketing booths at turnstiles para sa automated fare collection system.

 

Magkakaron din ng ramps at elevators upang gamitin at mabigyan ng accessibility ang mga PWDs, senior citizens, at mga buntis.

 

Samantala, ang EDSA busway ay isang sistema na gumagamit ng median lane para sa mga Public Utility Buses (PUBs) na tumatakbo mula Monumento sa Caloocan hanggang SM Mall of Asia sa Pasay City sa pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Dahil dito ang EDSA busway ay nakatulong upang mabawasan ang travel mula sa dating 3-3.5 oras mula Monumento papuntang PITX, kung saan ito ay naging 1 oras at 40 minuto na lamang.

 

“The project will significantly improve the travel time experience of passengers along country’s main thoroughfare,” sabi ni MMDA chairman Danilo Lim. (LASACMAR)

Other News
  • ABS-CBN, MediaQuest maghahati na sa shares ng TV5

    INANUNSYO ng ABS-CBN at TV5 ang isang investment agreement para makuha ng Kapamilya Network ang 34.99% ang total voting at outstanding capital stock ng Kapatid Network sa aggregate subscription price na P2.16 bilyon.     Nangyari ang partnership dalawang taon matapos mawala sa free TV ang Kapamilya Network sa pagkakapaso ng kanilang legislative franchise sa […]

  • Outreach program ng SPEEd, umabot na sa Nueva Ecija at Aurora

    MARAMI na namang napasaya at nabigyan ng tulong ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) matapos ang isinagawa na taunang outreach program. Nagtungo ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora nitong nagdaang Huwebes at Biyernes, Abril 4 at 5, para maghatid ng tulong sa ilang residente roon. Dumalaw […]

  • Bigtime rollback sa LPG, petrolyo asahan sa Marso

    ISANG malakihang bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang inaasahan sa Marso 1 (Linggo), ayon sa grupong LPG Marketers’ Association (LPGMA).   Tinatayang maglalaro sa P2 hanggang P4 kada kilo ang rollback o P22 hanggang P44 bawas sa karaniwang tig-11 kilong tangke.   Sa Sabado pa lalabas ang final na contract price ng cooking gas, […]