• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mobile Legends Tournament inilarga ni Mayor Joy

PORMAL nang inilunsad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang Acting President ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang kauna-unahang Mobile Legend Bang Bang Tournament na inorganisa ng LCP sa isang simpleng pagtitipon sa Solaire Hotel sa Quezon City.
Sa media conference, sinabi ni Mayor Belmonte na ang torneo ay magbibigay daan na makalikha ng mga talent mula sa mga kabataang nais makiisa sa naturang palaro.
Ito rin aniya ay magpapalakas sa samahan ng mga participants mula sa iba’t ibang lungsod sa bansa.
Ayon naman kay LCP Focal Mayor for Youth and Sports Development at Victorias City Mayor Javier Miguel Benite, napapanahon ang pagsasagawa ng  ganitong uri ng tournament na may koneksiyon sa mga kabataan, global age game at mas practical dahil internet lamang ang kailangan.
Ang bawat LGU ay maaaring mag-endorso ng 2 contestant mula sa kanyang lungsod kasabay ng pagsusumite ng sertipikasyon mula sa kinaanibang LGU o birth certificate, hindi amateur, drug free at nasa 14 years old pataas.
Aabot naman sa P3 milyon ang makukuha ng mananalo sa tournament.
Dagdag pa ni Mayor Belmonte, patuloy ang suporta ng LCP sa mga programa na may magandang layunin at nagbibigay importansiya sa pagtuklas sa  talento ng mga kabataan.
Other News
  • DOTr inireklamo ng ‘cyber libel’ transport leader, journo dahil sa corruption allegation

    NAGHAIN ng reklamong paglabag diumano sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) laban sa isang transport leader at mamamahayag — ito ay matapos siyang paratangan kaugnay ng katiwalian.     Ito ang inihain ni Transport Secretary Jaime Bautista sa Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules laban kina MANIBELA chairperson […]

  • Ads December 27, 2023

  • DILG, PNP gigisahin sa ambush at patayan

    NAGPAHAYAG ng pag­kabahala si House Speaker Martin Romualdez sa sunud-sunod na patayan sa iba’t ibang panig ng bansa kaya nagpasya itong ipatawag ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).     Ayon kay Romualdez, isang emergency hearing ang kanilang isasagawa ngayong Lunes bunsod ng sunud-sunod na ambush sa ilang […]