Mojdeh hataw pa ng 3 ginto sa Iloilo
- Published on June 9, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG makapigil sa matikas na kamada ni Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh nang sumisid pa ito ng tatlong gintong medalya sa 2022 National Invitational Sports Competition kahapon sa Iloilo Sports Complex.
Binuhat ni Mojdeh ang Calabarzon Region sa matikas na kampanya nito matapos masikwat ang gintong medalya sa girls’ 400m IM (5:18.51), 100m butterfly (1:05.26) at 200m butterfly (2:25.01).
“I’m so happy and I’m quite satisfied with my performance today compared yesterday. I’m just thankful to my coaches, my family and to all my friends who keep on cheering for me,” ani Mojdeh.
Sa kabuuan, may limang gintong medalya na si Mojdeh sa torneo kasama ang kanyang dalawang ginto sa 50m butterfly (29.89) at 200m IM (2:30.10) sa opening day.
Susubukan ni Mojdeh na walisin ang lahat ng asignatura nito sa pagsabak sa kanyang ikaanim na event sa 100m breaststroke ngayong araw sa kanyang ika-16 kaarawan.
Nagparamdam din ng lakas sina Lucena City pride Nicholas Ivan Radovan at Marcus Johannes De Kam na humataw ng tig-dalawang ginto sa kanilang kategorya.
Naghari si Radovan sa boys’ 200m butterfly (2:11.88) at 100m butterfly (58.61) habang humirit pa ito ng isang tanso sa 400m IM (5:06.11).
Sa kabilang banda, pinatunayan ni De Kam na isa ito sa pinakamahusay na freestyle sa bansa matapos kubrahin ang ginto sa boys’ 100m freestyle (55.07) at 200m freestyle (2:02.15).
Nag-ambag naman ng pilak si Hugh Antonio Parto sa boys’ 200m butterfly (2:13.94) habang nakatanso si Yohan Mikhail Cabana sa boys’ 50m backstroke (29.03).
“We are happy with the results that we are getting right now and we’re hoping to win more medals on the final day of the competition,” ani Calabarzon coach Virgilio de Luna.
-
Vice President Sara nagbabala sa solicit scam
NAGPAALALA sa publiko si Vice President Sara Duterte laban sa mga scammer na gumagamit ng kaniyang pangalan para makapang-scam ng pera. “Mag-ingat sa mga tao o grupong mangongolekta sa inyo ng pera gamit ang aking pangalan,” ayon kay Duterte sa Facebook page post niya. Sinabi niya na karaniwang nagpapakilala ang mga […]
-
BLOCKBUSTER SEQUEL “A QUIET PLACE PART II” STORMS INTO PH THEATERS
THE wait is over! Coming off an insanely quiet year at the cinemas, A Quiet Place Part II is set to help Philippine theaters roar back to life when the critically acclaimed thriller opens on November 10. [Watch the film’s Final Trailer at https://youtu.be/gBvwZOp-AAw] A Quiet Place Part II is the definitive kind of […]
-
Paulo Costa at Israel Adensaya maghaharap na sa UFC 253
Maraming UFC fans na ang nasasabik sa paghaharap nina middleweight world champion Israel Adesanya at Paulo Costa. Pumirma na kasi ang magkabilang kampo para sa kanilang paghaharap sa Setyembre 19 sa UFC 253 event. Ito na ang pangalawang pagdepensa ni Adesanya sa kaniyang UFC middleweight world title na ang una ay ang panalo […]