• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mojdeh magtatangkang pumasok sa World Cup Finals

SASALANG na ngayong araw si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa dalawang events sa pagsisimula ng 2024 World Aquatics Swimming World Cup second leg sa Munhak park Tae-Hwan Swimming Pool sa Incheon, South Korea.

 

 

Anim na events ang lalahukan ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) standout — ang 200m breaststroke, 200m butterfly, 100m breststroke, 50m butterfly, 400m Individual Medley at 100m butterfly.

 

 

Unang masisilayan sa aksyon si Mojdeh sa wo­men’s 200m butterfly kung saan sasalang ito sa Heat 2 kasama sina Regan Smith ng Amerika, Britanny Castelluzzo ng Australia, Weng Chi Cheang ng Macau, at sina South Koreans Hong Jung Hwa, Kim Danee, Sujin Park at Ayun Lim.

 

Nakatakda ang laban sa alas-9:21 ng umaga ngayong araw (alas-8:21 ng umaga sa Maynila) kung saan pakay ni Mojdeh na makapasok sa eight-swimmer finals.

 

 

“I’m thrilled to compete at this elite level, representing my country and swimming alongside the world’s best. These athletes have inspired me, and I’m honored to join them. Please support us with your prayers and cheers. We’ll give our all to make our nation proud,” ani Mojdeh.

Other News
  • Maligayang ika-49th Founding Anniversary sa ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority

    Pagbati na din sa Kappa Rho Community Chapter ng Valenzuela Skeptron Council na magdiriwang ng ika-9th Chapter Anniversary sa August 13, 2022, lalo kay Chairman Edmar Jimenez, Founder/Organizer Roi Alabastro at Grand Skeptron Carl Dacasin.   (CARDS)

  • 4,084 bagong pasyente na tinamaan ng COVID-19 sa PH; 21 labs bigong magsumite ng datos sa DOH

    Maraming mga COVID laboratory ang nabigong makapagsumite ng kanilang mga datos na umaabot sa 21 dahil sa pagiging holiday nitong nakalipas na wekeend.     Meron ding dalawang mga laboratoryo ang hindi operational.     Kaya naman ang datos sa bagong mga kaso na nahawa sa coronavirus sa boung Pilipinas sa daily tally ng Department […]

  • Digital version ng National ID tatanggapin sa passport application – DFA

    TATANGGAPIN  na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang printed digital version ng PhilSys ID o mas kilala sa tawag na national ID, bilang valid identification card para sa mga aplikante ng pasaporte.     Sa isang pahayag noong Biyernes, sinabi ng DFA na kikilalanin ng Office of Consular Affairs simula Oktubre 21, ang digitized […]