• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Molecular lab sa Maynila pinasinayaan ni Isko

PINASIMAYAAN kahapon sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno “Domagoso ang panibagong RT-PCR (real time-polymerase chain reaction) molecular laboratory na kayang mag swab test ng libre hanggang sa 1,000 katao.

 

Kasama ni Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna, Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, Ayala Corporation chief executive officer Fernando Zobel de Ayala at Jaime Augusto Zobel de Ayala sa pagpapasinaya sa ikalawang laboratoryo na itinayo sa 1st floor ng Sta.Ana Hospital at ginastusan ng may P7,7 milyon ng Ayala Corp.

 

Nabatid na ang unang laboratoryo ay nasa ikalawang palapag ng Sta.Ana Hospital na kayang magsagawa ng swab test ng hanggang 200-250 kada araw.

 

Nabatid na ang pinakabagong COVID-19 lab ay ininspeksiyon at inaprubahan ang operasyon ng Department of Health(DOH), World Health Organization at ng Research Institute for Tropical Medicine.

 

Pinasalamatan ni Moreno sina Pangulong Rodrigo Duterte, DOH, Department of Budget and Management at ang Ayala Corporation sa pagtulong para matamo ang layunin na magkaroon ng isa pang laboratoryo sa siyudad

 

Nabatid kay Dr. Grace Padilla, director ng Sta. Ana Hospital, na ang mga bagong mavhine ay kayang mag produce ng 90 teat kada oras.

 

Kaugnay nito,sinabi ni Moreno na bukas sa publiko kahit na hindi taga Maynila ang laboratoryo.

 

Magugunita na noong nakaraang Setyembre 6 ,tumanggap si Moreno, Lacuna at Secretary to the Mayor Bernie Ang ng donasyon na dalawang Sansure Extraction Machines. (Gene Adsuara)

Other News
  • Bagong tayong 10 palapag na pampublikong elementary school sa Tondo, binuksan na

    MATAPOS ang dalawang taon na pagpapatayo sa sampung palapag na gusali ng bagong Rosauro Almario Elementery School, pormal na itong isinalin ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa principal at mga guro para sa muling pagbubukas nito sa Tondo.     Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang simbolikong pagbigay ng mga susi sa […]

  • Phoenix Super LPG hindi pinaporma ang NorthPort

    DINALA ni Jason Perkins ang Phoenix Super LPG para talunin ang NorthPort Batang Pier 110-105.   Nagtala kasi ito ng career -high na 31 points at 12 rebounds para manatiling walang talo sa dalawang laban.   Pumuntos naman ng 23 points si Matthew Wright habang mayroong 17 points ang naiambag ni Justin Chua.   Ipinagmalaki […]

  • EJ Obiena, nakasungkit ng ginto sa France

    Nasungkit ni EJ Obiena ang kanyang unang indoor title ngayong season matapos manguna sa Perche En Or competition sa Roubaix, France.   Nakuha ng world No. 3 pole vaulter na si Obiena ang 5.82 meters sa kanyang unang pagtatangka na makuha ang gintong medalya at tinalo si Yao Jie ng China na nagtala ng personal-best […]