• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Monthly contribution ng Pag-IBIG members, planong itaas simula Enero 2024

PLANONG itaas ng Pag-IBIG Fund ang monthly contribution ng mga miyem­bro nito, pati ng kanilang mga employers, simula sa Enero 2024.

 

 

Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, itutuloy ng ahensya ang implementasyon ng pagtaas sa kontribusyon ng mga Pag-IBIG Fund members oras na sang-ayunan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

 

 

Bagama’t aprubado na ng Pag-IBIG Fund Board ang pagtaas, nagpadala anya ang Pag-IBIG Fund ng memorandum sa Pa­ngulo hinggil dito noong huling linggo ng Nobyembre ngayong taon, para ipaalam ang pagsisimula ng implementasyon ng contribution hike.

 

 

Sa ilalim ng Pag-IBIG Fund’s contribution policy, ang maximum fund salary (MFS) na basehan para sa two (2%) contribution rate ay nasa P5,000 kada buwan.      Nangangahulugan ito na ang mandatory contribution ng mge miyem­bro ay nasa P100 kada buwan at P100 para sa employer. Ang mga halagang ito ang nagsisilbing ipon nila sa ahensya na tumutubo kada taon. Ang basehan na ito ay itinakda halos apat na dekada na ang nakakaraan.

 

 

Takda sanang magtaas ang Pag-IBIG Fund ng MFS noong taong 2021 at 2022 gayundin ngayong 2023, kung saan ang MFS ay magiging P10,000. Ngunit, hindi ito natuloy at nailipat sa taong 2024 dahil sa epekto ng pandemic sa mga miyembro at business community.

 

 

Inaasahan na ang planong pagtaas sa susunod na taon ay may mandatory contribution na P200 para sa mga miyembro at P200 naman para sa employer.

 

 

Binigyang diin ni Acosta na ang nasabing dagdag – hulog ay nanga­ngahulugan ng pagtaas din ng kanilang ipon sa ahensya, mas mataas na taunang dibidendo at mas malaking halaga na mahihiram sa kanilang cash loan.

 

 

Dagdag pa ni Acosta, ang malilikom na dagdag pondo ng ahensya dahil sa pagtaas ay makakatulong sa pag-finance ng mas maraming housing units.

 

 

Sinabi ni Acosta na taong 1986 pa nagkaroon ng taas sa monthly contribution ang ahensya. Ang Pag-IBIG Fund ay may 15.8 million active members nationwide.

Other News
  • PRODUCERS JAMES WAN & JASON BLUM, DIRECTOR BRYCE MCGUIRE TALK ABOUT THEIR NEW SUPERNATURAL THRILLER “NIGHT SWIM”

    HORROR classics such as Poltergeist, Christine, Burnt Offerings and Jaws inspired Night Swim – well, these and a touch of aquaphobia.  “I’ve always had water on the brain,” director Bryce McGuire says. “Growing up in Florida, surrounded by ocean on three sides, in a climate that can only really be survived by partaking in water […]

  • CAREER HIGH: 71 POINTS NI DAMIAN LILLARD

    Tumipa si Damian Lillard ng career-high na 71 puntos nang talunin ng Portland Trail Blazers ang Houston Rockets noong Linggo (Lunes, oras sa Maynila).   Sa isang makapigil-hiningang pagtatanghal sa harap ng maraming tao sa Portland, iniukit ni Lillard ang kanyang pangalan sa alamat ng NBA upang dalhin ang Blazers sa 131-114 tagumpay.   Ito […]

  • Business tycoon na si Enrique Razon, nagboluntaryong magpagamit ng sariling barko at eroplano

    IBINALITA ng Malakanyang sa publiko na nagbigay na ng kanyang commitment para makatulong sa pamahalaan ang business tycoon na si Enrique Razon. Ito ang ipinarating na ulat ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa harap ng nakagiya ng pagkuha ng gobyerno ng bakuna kontra sa COVID 19. Batay sa ipinresentang […]