• April 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Moreno at Pacquiao angat sa botohan sa pagka-senador sa 2022 – Pulse Asia Survey

Nasa unang puwesto sina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao sa Pulse Asia Survey sa mga tatakbong senador sa 2022 election.

 

 

Sinundan ito nina Davao City Mayor Sara Duterte, mamamahayag na si Raffy Tulfo, Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at Sorsogon Governor Francis Escudero sa top six.

 

 

Mayroong 54 percent ang nakuha ni Pacquiao at 53.7 percent naman ang nakamit sa survey ni Moreno.

 

 

Pasok naman sa Top 12 sina dating Senator Bongbong Marcos, Antique Rep. Loren Legarda, Senator Panfilo Lacson, dating Senator Jinggoy Estrada, Senator Juan Miguel Zubiri at dating Vice President Jejomar Binay.

 

 

Isinagawa ang face-to-face survey noong Hunyo 7 hanggang Hunyo 16 na mayroong 2,400 na participants. ( Daris Jose)

Other News
  • Malacañang tikom sa pagtaboy ng barko ng China sa lantsa ng Pinas

    Tikom ang Malacañang sa napaulat na pagtaboy ng isang armadong barko ng China sa isang civilian vessel kung saan nakasakay ang crew ng ABS-CBN sa West Philippine Sea.     Ipinauubaya ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Department of Foreign Affairs at sa Department of National Defense ang nasabing isyu.     Iniulat noong Huwebes […]

  • ESTUDYANTE MALUBHA SA BALA

    ISANG 17-anyos na estudyante ang nasa malubhang kalagayan matapos barilin ng tatlong teenager sa naganap na riot ng dalawang magkalabang gangs sa Malabon city.     Isinugod ng kanyang ina sa Tondo Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat sa Philippine Orthopedic Center kung saan patuloy na ginagamot ang biktima na itinago sa pangalang “Roger” ng […]

  • Speaker Romualdez pormal nang tinanggap ang P5.268-T Marcos proposed nat’l budget; tiniyak ang transparent sa pagpasa

    PORMAL nang natanggap ng Kamara ang Proposed 2023 National Expenditure Program (NEP).     Mismong si House Speaker Martin Romualdez, kasama sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co at vice chair Rep. Stella Quimbo na siyang humarap kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. […]