Motorcycle Lay-By o Emergency Lay-By sa EDSA, bukas na sa EDSA
- Published on July 14, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBUKAS ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng motorcycle Lay-By o Emergency Lay-By sa EDSA
“Kasi talagang tuwing umuulan medyo talagang medyo delikado dahil iyong iba. humihinto sa gilid, eh baka hindi makita ng sasakyan eh mabangga sila. Pero of course, naunawaan natin na dapat talagang sumilong sila at mahirap baka sumemplang sila. so because of this.. identified certan areas Lay-By o Emergency Parking habang umuulan,” ayon kay MMDA chair Benhur Abalos.
“Inuulit ko, ito po ay Emergency Parking habang umuulan hindi ito puwedeng maging terminal,” giit ni Abalos.
Hindi na aniya kailangan pang mag-ipon sa underpass ang mga naka-motor para lang maghintay na tumila ang ulan.
Sa kahabaan aniya ng EDSA ay mayroon silang na-identify na 8 lugar na puwedeng gawing Emergency Lay-Bay at ito ay ang Quezon Avenue, GMA Kamuning-Kamias, Santolan, ortigas, Buendia, Tramo at Roxas Boulevard.
Sa C-5 naman aniya ay mayroong 6 na lugar at ito ay ang Commonwealth Ave., Luzon Flyover, Marilaque Highway, Aurora Blvd., C-5 LIbis, ortigas Ave.; Pasig Blvd., C-5 Kalayaan elevated u-turn.
Sa hahabaan naman ng Roxas Blvd aniya ay Recto corner Roxas at Buendia Flyover.
Sa kahabaan naman ng Sucat Road ay mayroon naman aniyang NAIA Imelda Ave., NAIA Imelda, Paranaque-Sucat Road, SM Sucat.
Sa kahabaan ng Alabang ay West Service Road at Alabang national road.
Bukod dito, mayroon din silang ginawang pocket parks.
‘This would help them may masisilungan sila, hindi na delikado kasi nakakaawa rin noh? Madulas baka sumemplang.. delikado baka magkasakit sila lalo na hindi lang ang pandemiya at the same time uso.. baka mag-dengue season na naman tayo. mahirap, iwasan nating magkasakit ang bawat isa,” ang pahayag ni Abalos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Biktima ng mail order bride, nasabat sa MCIA/NAIA
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae na biktima ng pekeng marriage scheme na biyaheng China ang nasabat sa Mactan International Airport (MCIA) . Kinilala ang biktima na isang 23-anyos na babae na hindi pinangalanan alinsunod sa anti-trafficking laws. Ang babae na nagsabing pupunta siya ng China upang umano’y bisitahin ang kanyang asawa […]
-
Ads December 16, 2024
-
International flights ‘wag nang idaan sa Manila – PBBM
HINDI dapat ipilit na dumaan pa sa Manila ang mga international flights na dumarating sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kanyang talumpati sa grand opening ng bagong terminal building sa Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga, sinabi ng Pangulo dapat dumiretso na ang biyahe sa mga pupuntahang lugar katulad ng Bohol, […]