• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motorcycle rider, patay sa trailer truck

PATAY ang isang rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck sa Sampaloc, Manila Huwebes ng madaling araw.

 

Isinugod pa sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Adelo Aton y Domingo, nasa wastong edad ng 65 Maria Clara St, 7th Ave, Caloocan City, Manila subalit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa malalang sugat sa katawan.

 

Kinilala naman ang driver ng Truck na may Trailer Isuzu Giga na may plakang RJM 973 na si Ginelo Repala y Zoilo, 29 ng Road10 Blk6, Vitas, Tondo, Manila.

 

Sa ulat, bandang ala-1:20 kahapon ng madalaing araw nang naganap ang insidente sa North bound lane ng NLEX Connector Road malapit sa Loyola Exit, sakop ng Sampaloc, Manila kung saan minamaneho ng suspek ang kanyang truck na may trailer habang binabagtas ang northbound lane ng NLEX Connector Road sa Sampaloc, Manila habang minamanheo naman ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas din ang nasabing lugar nang nag-counter flow sa lugar galing Espana Toll exit.

 

Dahil sa pangyayari, nabangga ang harapang bahagi ng motorsiklo ng biktima ang kaliwang bahagi ng minamanehong truck ng suspek dahilan upang tumilapon ang biktima mula sa kanyang motorsiklo sa sementadong kalsada.

 

Isinugod ang biktima sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay. GENE ADSUARA

Other News
  • PNP Chief ipinag-utos ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa NCR

    Inatasan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na mahigpit na ipatupad ang curfew hours sa oras na maging epektibo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR.     Kasabay ito ng paghihigpit sa mga border control mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.     Sinabi ni Eleazar na […]

  • US itinangging dahil sa cyber attacks ang nangyaring aberya sa paliparan

    ITINANGGI ni US na nagkaroon ng cyber attack matapos ang nangyaring aberya sa kanilang mga paliparan nitong Miyerkules ng gabi.     Ayon kay US Transportation Secretary Pete Buttigieg, na walang ebidensiya o indikasyon na nagkaroon ng cyber attack.     Ganun pa man ay hindi pa rin nila isinasantabi ang nasabing usapin at patuloy […]

  • Kapuso actress Rich Asuncion, masaya at kuntento sa buhay sa Australia

    Happy at kuntento na ang Kapuso actress na si Rich Asuncion sa buhay sa Australia kasama ang mister na si Benjamin Mudie at anak na si Bela Brie.   Kahit malayo sa pamilya niya sa Bohol, parati naman daw sila nagbi-video call. Kelan lang nga ay nag-celebrate ng 2nd birthday si Bela noong December 4 […]