Motorista, pinaiiwas ng Quezon City LGU sa ruta ng MMFF Parade of Stars
- Published on December 21, 2022
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ng Quezon City Government ang lahat ng motorista na iwasan ang ruta na pagdarausan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars 2022 sa Miyerkules, Disyembre 21, 2022.
Nabatid na magsisimula ang parada ganap na alas-4 ng hapon.
Ang ruta nito ay Quezon Avenue mula Mabuhay Rotonda hanggang Quezon Memorial Circle, QC.
Nabatid na isasara simula alas-3 ng hapon ang westbound direction ng E. Rodriguez mula D. Tuazon hanggang Mabuhay Rotonda.
Bubuksan lamang ito kapag nakaalis na ang mga floats.
Payo ng QC LGU, sa gabi ng Disyembre 20, Martes, ay dapat na iwasan ng mga motorista ang E. Rodriguez Avenue mula Banawe hanggang Mabuhay Rotonda na magiging staging area para sa float ng mga pelikula.
Sasakupin anila nito ang isang lane ng westbound habang bukas naman sa trapiko ang eastbound direction.
Dahil dito, asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga lugar at dagsa ng mga manonood.
“Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta,” anito pa.
“Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.” (Daris Jose)
-
Quincentennial anniversary rites of 1st Holy Mass sa PH maayos na nairaos – Sinas
Mapayapa at matagumpay naidaraos ang quincentennial anniversary rites ng First Holy Mass sa Pilipinas na isinagawa sa Limasawa, Leyte, kahapon, March 31, 2021. Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, pinaigting ng PNP region 8 ang seguridad sa lugar para mapanatili ang peaceful and orderly culmination ng ika- 500th Year of Christianity celebration […]
-
Panahon na lang ang makasasagot kung magkakatotoo: CLAUDINE at MARK ANTHONY, bukas na bukas sa pagkakaroon muli ng relasyon
MULI ngang nagkasama sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto sa drama-suspense movie na Deception na streaming na ngayong January 28 sa Vivamax. Sa virtual mediacon, natanong nga sina Mark at Clau, since pareho naman silang single ngayon, posible kayang magkabalikan at maging sila pa rin hanggang huli. Say ni Claudine, maghihintay […]
-
P2 taas pasahe sa jeep, aprub na ng LTFRB
INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng mga drayber na P2 dagdag na pasahe sa jeep sa buong bansa. Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Dahil dito, nasa P11 na ang minimum na pasahe sa traditional jeep, habang […]