Motorista puwedeng mamili kung PMVIC o PETC ang emission testing ng sasakyan
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi pipilitin ang mga motorista na mag avail ng emission testing sa mga private emission testing centers (PETCs) na siya naman sinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Land Transportation Office (LTO) hanggang wala pa further notice sa publiko.
Kailangan ang inspection report ng emission testing centers sa mga sasakyan dahil ito ay isang requirement bago marehistro ang sasakyan.
Sa isang budget deliberations na ginawa sa Senado sa pangunguna ni Senate committee on finance chair Grace Po, sinigurado ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na hindi nila pipilitin ang mga motorista na sa mga PETCs magpagawa ng testing ng kanilang sasakyan.
Nilinaw ni Tugade na maaari silang mamili kung saan nila gustong magpa inspect ng kanilang sasakyan. Puwede sa mga PETCs at PMVICs dahil parehas lamang ang presyo ng testing.
Ayon pa rin kay Tugade na kahit na pareho lang ang presyo ng testing sa PMVIC at PETC, ang emission testing naman ng una ay mas extensive at modern kumpara sa huli.
“I have already instructed the LTO and the LTFRB insofar as PMVICs and PETCs are concerned to make them co-exist. We still don’t have economies of scale or the critical mass,” saad ni Tugade.
Sinabi niya ito dahil kukunti pa rin ang mga bilang ng mga PMVICs kung saan ito ay may 72 na sangay lamang sa buong bansa samantalang ang mga PETCs ay may 800 na sangay. Dahil sa kakulangan ng mga PMVICs nagkakaron ng mahabang pila at kung minsan ay tumatagal pa ng hanggang dalawang (2) araw bago sumailalim sa inspeksyon ang isang sasakyan.
“There are many provinces that have only one PMVIC, causing congestion and risking COVID-19 infections. Some provinces reportedly share only one PMVIC,” dagdag ni Tugade.
Suspendido muna ang mandatory testing sa mga PMVIC hanggang hindi pa marami at sapat ang mga sangay ng PMVICs na magbibigay ng serbisyo sa publiko.
Ating maalala na nagkaron ng mabigat na pagtutol ang mga motorista ng mga nagdaang taon ng ipag-utos ng LTO at LTFRB na sa mga PMVICs lamang maaaring sumailalim ang mga motor vehicles ng extensive roadworthiness at safety examinations.
Samantalang ang layunin ay maganda, ang mga motorista at mambabatas ay naghihinala na ang nasabing requirement ay puno ng corruption dahil ang bidding na ginawa para sa PMVIC licenses ay hindi transparent at ang ibang centers ay sinasabing may kaugnayan sa mga opisyal ng LTO at LTFRB. LASACMAR
-
Ads November 3, 2021
-
‘Outstanding Asian Star Prize’ sa 17th SDA: BELLE, tinalo si DONNY at mga kapwa-ABS-CBN artists
WE don’t say no to our mentors, lalo na kung ang mentor is someone like Chito S. Rono. Kaya sure kami na yes agad ang naging sagot ng award-winning actor na si Christian Bables kay direk Chito nang alukin siya to play a role sa ABS-CBN remake ng classic Pinoy superhero character na si […]
-
Martinez sasaklolohan ni Cheng, PHSU sa training
URA-URADANG umaksiyon ang Philippine Skating Union (PHSU) at ang presidente nito na si Dyan ‘Nikki’ Cheng sa pangangalampag ni two-time Winter Olympic figure skater Michael Christian Martinez na kasalukyang nasa United States at nagti-training. Pinangalandakan ng 24 na taong gulang at 5-9 ang taas na dating national athlete sa kanyang social media account […]