Motorsiklo nabangga ng kotse, rider todas
- Published on May 16, 2023
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang rider matapos mabangga ng kotse na nag-counter flow ang minamaneho niyang motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Quezon City Medical Hospital sanhi ng tinamong pinasala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Mhark Asentista Sales, 37, chief mechanic at residente ng 72 Ph 9 Blk 2 Payatas Quezon City.
Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property ang driver ng Mitsubishi Mirage na may plakang (NEE-3447) na si Jerric Ampalo, nasa hustong gulang ng 277 Carriedo St., Muzon San Jose Del Monte Bulacan.
Batay sa report ni PCpl Joemar Panigbatan kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Mc-Arthur Highway sakay ng kanyang Suzuki raider patungong Monumento Circle, Caloocan City.
Pagsapit sa kanto ng Calli Kwatro Brgy. 78, dakong alas-2:00 ng madaling nang mabangga ang biktima ng kotse na minamaneho ng suspek na dapat ay patungong Monumento Circle subalit, nag-counter flow umano ito.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa simentadong kalsada na naging dahilan upang agad na isinugod ng rumespondeng ambulansya ng Caloocan DRRMO sa Caloocan City Medical Center (CCMC) subalit, inilipat din ito sa QCM Hospital kung saan siya binawian ng buhay.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng kotse na dinala sa CCMC para sa medical at physical examination at base sa kanyang medical certificate ay positibo siya sa alcoholic breath. (Richard Mesa)
-
Gabby Lopez nag-resign na sa ABS-CBN
BUMITIW na bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN Corporation si Eugenio “Gabby” Lopez III. Ang resignasyon ay dahil aniya sa “personal reasons”. Bukod dito, umalis na rin si Lopez sa kanyang posisyon bilang director ng ABS-CBN Holdings Corp., Sky Vision Corp., Sky Cable Corp., First Philippine Holdings Corp., First Gen Corp., at […]
-
Higit sa 200 million streams in a single day: TAYLOR SWIFT, gumawa ng history sa inilabas na double album
THANKFUL si Sparkle Teenstar Sofia Pablo sa mga naki-celebrate sa kanyang 18th birthday last April 20 sa Raffles Hotel in Makati City. Masaya si Sofia dahil na-accomplish niya ang mapasaya niya lahat ng mga dumating sa kanyang tropical-themed debut party na may hashtag na #SofiasTropicalJourneyTo18. Nag-enjoy ang mga bisita sa kakaibang cotillion ni Sofia dahil […]
-
PBBM, ipinag-utos sa DOH na paigtingin pa ang bakunahan ng booster shot sa bansa
SINABI ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng lahat ng rehiyon sa Pilipinas ang kanilang 50 percent target population sa bakunahan naman ng booster shot. Habang ang National Capital Region (NCR) naman aniya ang pinakamalapit nang maabot ang target na umaabot na sa 43 percent ng target […]