MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS
- Published on September 7, 2021
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, Sampaloc Manila.
Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide with Damage to Property ang driver ng Toyota Vios na kinilalang si Francisco Manuel, 53, taxi driver at residente ng San Basilio Santa Rita Pampanga.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-8:40 ng Linggo ng gabi sa kahabaan ng Rizal Avenue Extention corner 3rd Avenue, Brgy. 45 ng nasabing lungsod.
Binabagtas ng biktima ang naturang lugar patungong Manila lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo at pagsapit sa kanto ng 3rd Avenue ay aksidente siyang dumulas dahil sa madulas na kalsada.
Sumemplang umano ang biktima bago sumalpok sa kanang bahagi ng papalikong kotse na naging dahilan upang magtamo ito ng matinding pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kaya’t agad siyang isinugod sa naturang pagamutan subalit, hindi na rin umabot ng buhay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Binanggit ang mga katangian at pagiging ‘miracle worker’… DINGDONG, nagdeklara na isang nanay ang kanyang iboboto sa Mayo 9
SA isang madamdaming pahayag para sa mga ina bago ang Mother’s Day sa Linggo, nagdeklara ang aktor na si Dingdong Dantes na ang isang nanay ang kanyang iboboto sa darating na halalan sa Mayo 9. “Sa inyo po ang aking buong pagpupugay …ang aking paghanga, ang aking serbisyo, ang aking boto,” wika ni […]
-
Manila Mayor Honey Lacuna, ibinida ang mga nagawa sa Maynila sa kanyang SOCA 2024
IBINIDA ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa kanyang ikatlong State of the City Address (SOCA) ang ginawa ng kanilang administrasyon hinggil sa pagpapahusay sa serbisyong pangkalusugan, de-kalidad na edukasyon, pagpapasigla sa turismo, libo-libong trabaho, at pagtatayo ng mga pampublikong gusali, na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Hulyo 30, 2024. […]
-
Hong Kong, nagkakaubusan na espasyo sa morgue at supply ng kabaong sa dami ng mga namamatay dahil sa COVID-19
NAUUBUSAN na ng espasyo ang mga morgue sa Hong Kong dahil sa maraming mga biktima ang namamatay ngayon dahil sa COVID-19. Batay kasi datos ay nakapagtala na ng halos isang milyong impeksyon ng COVID-19 habang nasa mahigit 4,600 naman ang mga naitalang namamatay sa Hong Kong ng dahil sa nasabing sakit sa loob […]