• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Movie nila ni BEA, inaabangan bukod sa serye: ALDEN, good vibes lang palagi kaya patuloy ang blessings

SABI ni Direk Roman Cruz, Jr. tinitiyak daw niya na every movie na kanyang ginagawa ay ibang-iba sa huling project na kanyang dinirek. 

 

 

Pero aminado naman siya na itong latest movie for Vivamax titled Putahe ay homage niya sa pelikula niyang Adan na umagaw ng atensiyon nang ito ay ipalabas.

 

 

“Hindi naman ito sequel ng ‘Adan’ kasi may subplot itong ‘Putahe’ about cooking. Parang sinasabi na kapwa importante ang cooking at sex,” pahayag ni Direk Roman sa zoom con ng Putahe.

 

 

Dahil daw sa Adan kaya nagkasunud-sunod ang projects niya under Vivamax. Pero may ibang twist daw itong Putahe dahil sa mga bidang babae na sina Ayanna Misola at Janelle Tee (Miss Earth 2019).

 

 

Sinabi raw ni Direk Roman kay Ayanna na siya ang magdidirek ng launching film ng dalaga.

 

 

Very innocent kasi ang dating ni Ayanna tapos may ibang putahe na hatid si Janelle,” pahayag pa ng kontrobersiyal na director.

 

 

Excited daw si Direk Roman na mag-launch ng mga baguhan dahil very raw at innocent ang dating ng mga ito.

 

 

Kaya maski ang male cast ng movie na sina Massimo Scofield Nathan Cajucom, at Chad Solano ay pawang mga baguhan din.

 

 

Baptism of fire para sa male cast ang  dahil first movie pa lang nila ito pero napasabak na agad sila sa mga sexy scenes.

 

 

***

 

 

IPINAGDIRIWANG ni Alden Richards ang third anniversary ng branch ng fastfood joint na kanyang ini-endorse.

 

 

Good vibes lang kasi palagi si Alden kaya patuloy na dumarating ang blessings sa kanya.

 

 

May upcoming endorsement na naman ang Pambansang Bae na tiyak na magdadagdag ng earnings sa kanyang bank account.

 

 

Sa ngayon ay busy si Alden sa taping ng bago niyang serye sa GMA na adaptation ng Korean novela na Start Up with Bea Alonzo as his co-star under the direction of Jerry Lopez Sineneng.

 

 

Kailan kaya ipalalabas ang Start Up? At kailan kaya sisimulan nia Alden at Bea ang gagawin nilang movie?

 

 

Matagal na rin naman walang movie si Alden since the blockbuster hit Hello Love, Goodbye.

 

 

Siyempre miss na si Alden ng kanyang mga fans na nag-aabang kung ano ang susunod project ng Pambansang Bae.

 

 

***

 

 

IMPRESSED si Direk Louie Ignacio sa performance ni Jeric Gonzales sa launching film nito na Broken Blooms under Bentria Productions.

 

 

Si Jeric talaga ang first and only choice ni Direk Louie at ni Engr. Ben(ang producer) to play the lead sa pelikula na nagwagi ng Gold Remi Awards sa 55th Houston International Film Festival.

 

 

Hindi talaga pumayag si Direk Louie na hindi si Jeric ang magbibida sa Broken Blooms at hindi naman siya nagkamali in entrusting him the role because the guy delivered.

 

 

“I told Jeric the shoot na bagay sa kanya ang role. Kumbaga parang tailor made for him and I am happy na hindi naman kami nabigo dahil nakuha ni Jeric yung acting na gusto ko,” kwento ni Direk Louie.

 

 

Naniniwala si Direk Louie na given more challenging roles, mas lalong lalabas ang pagiging seryosong actor ni Jeric. Kailangan lang daw magtiwala ni Jeric sa kanyang sarili na he can do any role, basta isapuso niya ang pagganap.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • MGA TODA at PUV OPERATORS, APEKTADO ANG TRANSPORT SECTOR DAHIL SA MEMORANDUM CIRCULAR 28 S 2020 ng SECURITES and EXCHANGE COMMISSION

    Ang nasabing Memorandum Circular ng SEC ay ang mandatory submission of email and mobile numbers ng mga corporations, partnerships at iba pa para sa implementasyon ng Commission sa kanilang filing and monitoting system.  Ito ay inilabas noong November 18, 2020 at pinalawig ang mandatory submission hanggang February 22, 2021.     Simula February 23, 3021, ay […]

  • P90.2-B special risk allowance para sa mga medical workers ng DOH inilabas na

    Nailabas na ang P90.2 billion special risk allowance para sa mga medical workers ng Department of Health sa buong bansa.     Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Kim Robert de Leon na inaasahan na tuluyan ng maipamahagi ang nasabing budget hanggang Hunyo 30, 2021.     Mayroong tig-P5,000 na monthly […]

  • QC Health Dept. nagpaliwanag kaugnay sa ‘leaked slide’; siyudad nananatiling nasa Alert Level 1 sa COVID-19

    NAGPALIWANAG ang pamunuan ng Quezon City Health Department (QCHD) kaugnay sa “leaked slide” na nagpapakitang nasa “yellow status” ang siyudad sa Covid-19.     Kinumpirma ni Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit Chief, Dr. Rolly Cruz, na totoong sa kanila ang kumalat na kopya ng COVID report slide ng lungsod.     Subalit ayon […]