• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Movies na kasama sina Sharon at Coco, malabo pa: Sen. BONG, sisimulan na ang ‘Alyas Pogi 4’ at planong isali sa MMFF

NAGKAROON kami ng pagkakataon na makausap at magpasalamat na rin sa aktor at politician na si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. Pinasyalan namin ang aktor, producer, politician sa kanyang opisina sa senado kasama ang mga opisyales ng Philippine Movie Press Club. Siyempre pinasalamatan agad namin si Sen. Bong sa dahil sa maagang pagpaşa at pirmado na ni PBBM ang kanyang expanded Centenarian Law na kilalang “Revilla Law”.

 

Ito ang magbibigay ng benepisyo ng mga senior citizen na sasapit sa edad na 80, 85, 90, 95 hanggang sa pagsapit ng edad na 100 years old. Bilang may magulang na 88 years old naitanong namin sa butihing senador na may akda ng nasabing batas kung kelan mapakinangan agad ng mga senior citizen ang nasabing batas? Ayon pa kay Sen. Bong napaaga lang daw ang pagpirma ng presidente sa nasabing batas at ganun na lang daw ang pasasalamat niya. Pero dahil nga nakalabas na ang 2024 budget kung kaya hindi pa napasama ang nasabing batas ni Sen. Bong sa mga bibigyan ng prayoridad na pondo. Kaya sa mga nagtatanong na constituents namin sa darating na 2025 pa magkaroon ng katuparan ito, na malaking bagay para sa mga senior citizen na aabot sa edad na 80, 85, 90, 95 na tatanggap ng 10k at pagsapit naman ng ika-100 taon ay 100k ang tatanggapin nila.

 

***

 

STILL on Sen. Bong, uumpisahan na rin daw ng aktor ang pelikulang “Alyas Pogi 4” na maaaring ilahok ng produksiyon niya sa darating na MMFF sa December. Kumpleto na raw ang casting pati na kung sino ang magiging direktor at leading lady niya. Pero hindi pa raw pwedeng banggitin kung sino ang makakaparehang babae ni Sen. Bong dahil under negotiation pa rin daw. Tungkol naman sa napabalitang pagsasamahan nilang movie ng mga kapwa sikat na action stars tulad ni Coco Martin ay nasa proseso pa rin naman daw sila ng pagpaplano and nothing definite pa raw. Ganun din daw ang napabalitang gagawin nilang movie din daw ng megastar Sharon Cuneta. İsa pa rin daw sa wino-work out ni Sen. Bong ay ang pakikipag-usap sa mga film producers at pati na rin sa theatre owners na babaan ang bayad sa mga sinehan.

 

Ito raw kasi ang maaaring dahilan kung bakit after ng MMFF ay hindi pa rin bumalik sa sigla ng mga moviegoers.

 

Dahil wala pa ring kumikita sa mga pelikulang pinalabas lately.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Pinas 2nd sa vaccination rollout sa Southeast Asia

    Pumangalawa na ang Pilipinas sa estado ng ‘vaccination rollout’ sa Southeast Asia makaraang umakyat na sa 4,097,425 doses ang naipamahagi sa mga mamamayan, ayon sa National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo.     Sa datos mula sa Bloomberg World Data, nasa 4,097,425 kabuuang doses ng bakuna ang naibigay sa publiko ng Pilipinas habang nangunguna […]

  • First time producer at sa pag-play ng Filipino role: LEA, magbabalik sa Broadway stage para sa “Here Lies Love”

    “PAMBANSANG Ginoo” at ngayon tinawag na ring “Man of the Hour” si David Licauco, matapos niyang gawin ang “Maria Clara at Ibarra” with Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo at nagkasunud-sunod ang mga endorsements niya.      Nanibago ba siya?     “Honestly, it’s a bit overwhelming  for me kasi, I would […]

  • Ads October 14, 2022