• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MRT 3 and PNR nagbibigay ng libreng antigen test

Ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Philippine National Railways (PNR) ay nagbibigay ng libreng antigen testing sa mga pasaherong gustong sumailalim sa nasabing testing.

 

 

 

Ayon sa MRT 3, ang mga tauhan nito ang siyang magbibigay ng antigen testing sa mga pasahero na nagsimula kahapon hanggang Jan. 14, Jan. 12-21, at Jan. 24, 28 at 31.

 

 

 

Ang mga testing sites ay sa mga estasyon ng North Avenue, Cubao Shaw Boulevard, at Taft Avenue sa Pasay.

 

 

 

Hanggang 24 na pasahero kada estasyon ang puwedeng sumailalim sa antigen testing para sa COVID-19 sa peak hours, simula 7:00 hanggang 9:00 ng umga at mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.

 

 

 

“Commuters volunteering to be tested need to sign consent and contract tracing forms. Those who will be negative for the virus will get free train rides. Passengers who will yield positive COVID test results will not be allowed to board the train and should coordinate with their local government units for isolation and confirmatory RT-PCR test,” saad ng pamunuan ng MRT 3.

 

 

 

Sinumulan rin ng PNR kahapon ang pagbibigay ng antigen testing sa kanilang mga pasahero.

 

 

 

Inaasahan ng pamunuan ng PNR na makapagbibigay sila ng 288 na antigen test sa mga pasahero kada araw. Ang mga pasahero ay tatanungin muna kung gusto nilang sumailalim sa antigen testing sa mga estasyon ng Tutuban, Dela Rosa, Bicutan at Alabang.

 

 

 

Samantala, may pitong (7) pasahero ang nag positibo sa ginawang antigen testing sa may 42 na katao. Ang mga nag positibo ay maaari pa rin makasakay subalit sila ay isasakay sa hiwalay na bagon.

 

 

 

Ang mga nagpositibo ay kinailangan din sumailalim sa confirmatory test sa kanilang mga barangays o di kaya ay sa mga local government units (LGUs).

 

 

 

Sinabi rin ni PNR assistant general manager Ces Lauta na sila ay nahihirapan na kumbinsihin ang mga pasahero na sumailalim sa antigen test kahit na ito ay walang bayad at libre lamang.

 

 

 

Mayron naman na 262 na empleyado ng PNR ang nagpositibo sa ginawang antigen testing simula pa noong nakaraang December. Sumailalim din sila sa confirmatory swab tests.

 

 

 

Kasabay nito, ang PNR naman ay hinihintay na lamang ang guidelines mula sa Department of Transportation (DOTr) para sa mahigpit na pagpapatupad ng “no vaccine, no ride” polisia sa mga hindi pa nababakunahan. LASACMAR

Other News
  • Walang planong magkabugan o magsapawan: RITA, sinisiguradong magugustuhan ang mga pasabog nila sa ‘Queendom Live’

    WALA raw plano na magkabugan o magsapawan ang mga reyna sa ‘Queendom: Live’ concert na gaganapin mamayang gabi, December 2, sa Newport Performing Arts Theater, 8 p.m.     Lahad ni Rita Daniela, “Siguro, I’m just really excited sa mangyayari sa Saturday.     “Sobrang marami kaming hinandang pasabog talaga.     “Definitely, sinisigurado namin […]

  • Mga miyembro at pensioners na apektado ng lindol, maaaring mag-avail ng emergency loan mula sa GSIS

    MAAARING mag-avail ng emergency loan ang mga miyembro ng state-run pension fund na Government Service Insurance System (GSIS) na apektado matapos tumama ang magnitude 7 earthquake sa Abra at naramdaman sa ilang bahagi ng Luzon kabilang sa Metro Manila.     Ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso, titiyakin nila na ang mga […]

  • VCM ng Smartmatic ‘di na gagamitin ng Comelec

    HINDI NA gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic sa mga susunod na eleksyon makaraan ang kabi-kabilang ulat ng pagkasira o pagloloko ng mga ito sa iba’t ibang polling precincts sa bansa.     Sa pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na ngayong May […]