MRT 3 at LRT: bawal mag-usap at gumamit ng cellphone sa loob ng trains
- Published on July 16, 2020
- by @peoplesbalita
Pinagbawal ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) ang paggamit ng cellphones at mag-usap sa loob ng dalawang rail lines.
Sa isang advisory mula sa MRT 3 sinabing ang polisiya ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pasahero at sa loob ng trains.
“To avoid the possible spread and infection of the virus among commuters, answering phone calls and talking inside the trains are now prohibited,” ayon sa advisory.
Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng MRT 3 ang mga pasahero na magsuot ng face masks sa lahat ng oras upang maiwan ang pagkalat ng droplets sa mga trains lalo na kung nagsasalita o umuubo at humatsing.
Namimigay din ang mga empleyado ng Department of Transportation (DOTr) ng mga health declaration forms sa mga commuters bago sila pumasok sa mga stations at sumakay sa trains na siyang gagamitin sa contact tracing.
“Commuters are required to state on the health declaration forms their name, address, contact number, station entry, date and time, temperature, and whether they are manifesting symptoms of COVID-19,” wika ng DOTr.
Ayon sa DOTr, ang mga health measures na ito ay ginagawa ng pamunuan ng MRT 3 upang masigurado ang kaligtasan ng mga pasehero at empleyado nito.
Noong July 11 ay may naitalang may 281 na empleyado ang positive sa COVID 19 mula sa kabuuhang 3,300 na personnel ng MRT3.
Karamihan sa mga nagpositbo sa COVID-19 ay mga depot personnel at station employees at may kasama rin na ticket sellers.
Matapos ang 5-day na shutdown ng operation ng MRT 3, ang naka deploy at tumatakbong trains sa ngayon ay 13 na lamang mula sa 16 hanggang 19 na trains.
At dahil sa kokonti ang tumatakbong trains ng MRT 3, may mahabang pila ng mga commuters sa mga stations ang nararanasan ngayon.
“No talking” din ang polisiya sa LRT Line 1 upang maiwasan ng pagkalat ng COVID 19 virus subalit kung “life and death situation” ay maaari silang gumamit ng cellphones subalit kinakailangan may suot pa rin silang face masks.
Ayon sa pamunuan ng LRT 1, sinusunod lamang nila ang warning ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) na kung ang isang tao ay infected ng COVIC 19, “talks, sneezes or coughs” droplets ay maaaring lumabas sa kanilang bibig at ilong na maaaring malanghap ng ibang tao o pasahero sa train. (LASACMAR)
-
Japan ipinagmalaki ang mabisang gamot laban sa COVID-19
IPINAGMALAKI ng kumpanyang Shionogi & Co Ltd. sa Japan na mayroong mabilis na epekto ang kanilang gamot laban sa COVID-19. Ayon sa datus ng Japanese drug maker na mabilis nitong pinapagaling ang mga nagpositibo sa COVID-19. Patuloy na ini-evaluate ng mga Japanese regulators ang nasabing S-217622 pill ng nasabing kumpanya. […]
-
5 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P.7 MILYON SHABU AT BARIL
ARESTADO ang limang drug personalities, kabilang ang isang Grab driver matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu at baril sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan at Malabon cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 3:40 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng […]
-
Metro Manila mayors muling iginiit ang pagkontra sa bawas-distansya ng mga pasahero
Muli na namang ipinaabot ng 17 mga mayors sa Metro Manila ang hindi nila pagsang-ayon sa panukalang pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan. Ayon kay Metro Manila Council chairman at Mayor Edwin Olivarez, dapat dagdagan na lamang ng Department of Transportation ang mga sasakyang pumapasada lalo na ang mga tradisyunal […]