MRT-3, hindi ipinagbibili- DOTr
- Published on November 14, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI ipinagbibili ng pamahalaan ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ito ang ginawang paglilinaw ng Department of Transportation (DOTr) kasunod ng mga naglabasang ulat na ‘for sale’ na umano ang MRT-3.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ikinukonsidera lamang nila ang posibilidad na i-turn over ang Operations & Maintenance (O&M) ng MRT-3 sa kuwalipikadong private sector operators upang mapaghusay ang operational efficiency nito.
Binigyang-diin rin naman ni Bautista na ang railway system ay dapat na manatiling pinaka-abot-kaya at pinakaligtas na uri ng mass transit sa bansa.
“We are looking at partnering with private rail operators for DOTr MRT-3’s operations and maintenance under the same scheme with LRT 1 with the rail lines assets remaining government owned,” pahayag pa ni Sec. Bautista.
Anang DOTr chief, inaasahan nilang kapag naisa-pribado ang O&M ng MRT-3 ay higit pang huhusay ang efficiency at safety nito.
Bukod dito, mababawasan din aniya ang operational cost nito upang mapanatili ang abot-kayang pamasahe.
Nabatid na ang operasyon ng railways sa metropolis, kabilang ang MRT-3, at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT 2), ay patuloy na sina-subdized ng pamahalaan upang mapanatiling affordable ang pasahe nito. (Daris Jose)
-
Tag-ulan, idineklara na ng PAGASA
PORMAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan o rainy season sa bansa. Kasunod ito ng nararanasang severe thunderstorms na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa nakalipas na 5 araw. “This satisfies the criteria of the start of the rainy season over […]
-
Tom Holland Clarifies What Is Going On For The Future of MCU ‘Spider-Man 4’
WITH Spider-Man: No Way Home completing the MCU’s first Spider-Man trilogy, Tom Holland chats about his future as Peter Parker. 2021 ended on a big note for Marvel Studios, as well as Sony Pictures, thanks to their co-produced Spider-Man threequel. After the major cliffhanger in Spider-Man: Far From Home, the third installment went all-in as they tackled Peter’s final story in the […]
-
Kahit sugatan at duguan: KRISTOFFER, natapos at nag-2nd place pa sa sinalihang triathlon
KAHIT sugatan at duguan, nagawang matapos ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang sinalihan nitong triathlon kamakailan. Nag-2nd place pa ang aktor sa naturang competition na inakala niyang hindi niya matatapos dahil sa mga natamo niyang aksidente. May tatlong levels ang triathlon at ito ay swimming, cycling at long distance running. Makikita sa Instagram […]