• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MRT-3, tiniyak na ‘di magtataas ng singil sa pasahe matapos ang 1-mo. free ride

MULING  iginiit ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na hindi magkakaroon ng pagtaas sa singil sa pamasahe sa tren ang naturang railway pagkatapos ng isang buwang pagpapatupad ng libreng sakay dito.

 

 

Ipinahayag ito ni MRT-3 acting general manager Michael Capati na kasabay ng pagsasabing mananatili sa P13 hanggang P28 ang presyo ng pamasahe sa MRT-3.

 

 

Magpapatuloy din na entitled sa 20% discount ang mga kababayan nating senior citizen at persons with disability.

 

 

Paliwanag ni Capati, tutulungan ng pamalahaan ang MRT-3 upang mabawi ang isang buwang pagkawala ng kanilang kita dahil sa libreng sakay program mula sa P7-billion na pondong ipinagkaloob sa kanila ng Kongreso.

 

 

Magtatagal hanggang sa April 30 ang programang libreng sakay sa MRT-3 na nagdulot naman ng mahahabang pila ng mga pasahero dito dahilan kung bakit may ilang mga commuters ang pinili na lamang na sumakay sa EDSA Bus Carousel na inaasahan ding magpapatuloy sa pagbibigay ng libreng sakay na serbisyo sa susunod na linggo.

Other News
  • 7.4 magnitude na lindol yumanig sa Surigao del Sur

    PATAY ang isang ina habang sugatan naman ang mister nito at anak sa Tagum City, Davao del Norte matapos ang magnitude 7.4 lindol na yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur Sabado ng gabi.     Batay sa ulat, nakilala ang biktima na si Joy Gemarino ng Brgy. La Filipina Tagum City, Davao del Norte na […]

  • WENDELL, nagagawa pa ring mag-choir sa church kahit may pandemic dahil commitment niya ‘yun

    IBANG level na rin ang lalim ng faith ng actor na si Wendell Ramos bilang isang Katoliko.       Noon pa namin siya nakakausap at kapag nakaka-kuwentuhan namin siya, pansin na namin kung gaano siya ka-devoted Catholic.     The way he speaks at kung paano ang pananaw niya sa buhay at pamilya.  Si Wendell ‘yun […]

  • Ads January 29, 2025