• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MRT 4 magdudulot ng 73,000 na trabaho para sa mga Filipinos

Inaasahang magbibigay at magdudulot ng 73,000 na direct at indirect na trabaho sa mga Filipinos ang pagtatayo ng Metro Rail Transit Line 4 (MRT4) na siyang magdudugtong sa Eastern part ng Rizal at Metro Manila.

 

 

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa signing ceremony noong nakaraang Biyernes sa Rizal Provincial Capitol sa pagitan ng DOTr at IDOM Consulting Engineering, Architecture, SA, (IDOM) para sa detailed engineering at architectural design ng MRT 4 na tinatayang 73,000 ang madudulot na trabaho ng MRT 4 para sa mga sambayanang Filipino.

 

 

“This project will provide over 73,000 direct and indirect employment opportunities to Filipinos during its construction phase and after its completion when the line become operations,” wika ni Tugade.

 

 

Dagdag pa ni Tugade na malaki ang maitutulong ng MRT 4 sa pagkakaron ng business at livelihood opportunities na siyang magsusulong upang magkaron ng socio-economic benefits sa bansa lalo na kung tapos na ang pandemya. Ang nasabing proyekto ay makapagbibigay din ng karagdagan trabaho, kabuhayan at negosyo sa mga Filipinos.

 

 

Ang kabuohang gastos para sa consultancy contract ay nagkakahalaga ng $28.967 million o tinatayang P1.4 billion sa peso. Mangangaling ang pondo sa ilalim ng official development assistance (ODA) mula sa Asian Development Bank (ADB)

 

 

“Aside from the preliminary, design, detailed engineering and tender design, IDOM will also prepare the financial and economical assessments as well as loan processing, project safeguards and bidding documents for the MRT 4 project,” wika ng DOTr.

 

 

Naatasan rin ang IDOM na alamin ang tamang mode ng transportasyon sa alignment at magbigay ng methodology sa ridership validation.

 

 

Sinimulan ang mobilization ng proyekto nang ang DOTr ay nagbigay sa IDOM ng notice of award noong September 17.

 

 

Ang MRT 4 ay isang proyektong mass transit system na siyang magsisilbing dugtong sa eastern part ng Metro Manila kasama rin ang may mataas na populasyon na bayan at ciudad tulad ng Antipolo, Cainta, Taytay, Binangonan, Tanay, at ibang pang lugar na malapit sa probinsiya ng Rizal.

 

 

“The railway will cut across the cities of Mandaluyong, San Juan, Quezon, Pasig as well as the municipalities of Cainta and Taytay in Rizal to address traffic woes and limited road capacities in the highly populated areas of eastern Metro Manila,” dagdag ng DOTr.

 

 

Inaasahang masisimulan ang pagtagtayo ng MRT 4 sa unang quarter ng taong 2024 at magkakaron ng trial operation sa taong 2027. Ang full operation naman ay magsisimula sa taong 2028. Magkakaron ang MRT 4 ng 11 na estasyon at 2 provisional na estasyon sa darating na mga taon.

 

 

“The MRT 4 is expected to serve 4,464 passengers per hour per day-peak and 2,678 passengers per hour per day off-peak with an estimated travel time of 27 minutes from N. Domingo in San Juan to Taytay,” saad ng DOTr. LASACMAR

Other News
  • Medvedev naungusan si Federer sa ATP ranking

    NAUNGUSAN na ni Daniil Medvedev si tennis star Roger Federer sa world ranking ng inilabas ng Association of Tennis Professionals (ATP).   Sa pinakahuling ranking ay nasa pang-apat na puwesto na ngayon ang Russian tennis star habang nasa pang-limang puwesto ang Swiss tennis star na si Federer.   Isang naging susi para umangat ang puwesto […]

  • Dinaig ng CEU Scorpions si Olivares para manatiling walang talo sa UCBL

    Dinisarmahan ng CENTRO Escolar University ang Olivarez College sa unang quarter para tungo sa mahangin na 94-61 panalo at anim na larong sweep sa first round elims sa 5th PG Flex Linoleum-Universities and Colleges Basketball League (UCBL) noong Lunes sa ang Paco Arena sa Maynila.   Nagsimulang mainit ang Scorpions, na sumugod sa 28-11 kalamangan […]

  • Naghiwalay na pagkatapos ng tatlong taon: JASON, ‘di itinago na naging ‘unfaithful’ bilang asawa ni MOIRA

    PAGKATAPOS ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Jason Hernandez at Moira dela Torre.       Hindi inaasahan ng mga tagahanga nila Jason at Moira na aabot sa paghihiwalay ang dalawa dahil noong January 2019 lamang sila kinasal.       Hindi naman itinago ni Jason na naging unfaithful siya bilang asawa […]