MSMEs protektahan laban sa cyber attacks
- Published on August 6, 2022
- by @peoplesbalita
DAPAT magsanib puwersa ang mga kalihim ng Departments of Trade and Industry (DTI) at Information and Communications Technology (DICT) para masigurong nakahanda ang business sector laban sa lumalaking bilang ng panganib sa online, lalo na sa ulat ng isa sa bawat dalawang small and medium enterprises (SMEs) ay dumaranas ng cyber attacks simula noong nakalipas na taon.
Sinabi ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na dapat dagdagan ng dalawang ahensiya ang kanilang kampanya upang maengganyo ang mga SMEs na lumipat na sa digital platforms sa pamamagitan ng malawakang information drive at protektahan ang mga ito laban sa cyber criminals.
“We welcome the plan of Trade Secretary Alfred Pascual to focus on digitalizing the processes of the DTI as well as of SMEs as this will dramatically improve the ease and cost of doing business in the country, and expand the market reach of the country’s small businesses. But DTI should team up with the DICT to ensure that these digital platforms are safe and secure from hackers and other cyber threats,” ani Villafuerte.
Hindi lamang pagkalugi o pagkawala ng kita ang dulot ng cyber attacks kundi maging ang operasyon ng mga SMEs.
Sinisira din nito ang tiwala at kumpiyansa ng consumers sa kalakalan na naging biktima ng cyber attacks.
Idinagdag ng mambabatas ang dagdag cybersecurity upang masigurong protektado ang mga SMEs kapag pinalawig pa ng mga ito ang kanilang business sa digital marketplace. (Ara Romero)
-
Pagcor, kinumpirma na si Harry Roque ang legal head ng na-raid na POGO sa Porac Pampanga
PINANGALANAN na ni Pagcor Chairman Alejandro Tengco ang dating cabinet official na umano’y nag-ayos para mabigyan ng lisensya ang iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sinalakay ng mga awtoridad at sangkot sa mga krimen. Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children, binanggit ni Tengco ang pangalan ni dating Presidential Spokesperson Harry […]
-
Manliligaw, mukhang dadaan muna sa bangis ni ‘Lolong’: RURU, masarap maging kuya at over protective kay RERE
MASARAP palang maging kuya si Ruru Madrid dahil very protective ito sa kanyang mga kapatid. Kailan lang ay pinakita ni Ruru na mino-monitor niya ang mga post ng nakakabata nitong kapatid na si Athena “Rere” Madrid. Rumampa si Rere sa isang fashion event na suot ay sexy and short […]
-
Nalungkot dahil sa USA magka-college si MIEL: SHARON, pinagpi-pray na matagpuan na ni KC ang ‘true love’
PATULOY pa rin si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa kanyang advocacy na tumulong sa mga nangangailangan. Kaya naka-set na siya to appear on the cover of a new fashion bookazine (book magazine), for the benefit of visually-impaired children under the care of charities he is supporting. Kasama rito ni Alden […]